Apollo was willing to both die and live for her. Nakita niya rin kung paano ito nanginig at kung paano ito umiyak. Pero sapat na ba iyon? He may have cried a glass of tears, but she cried a bucket. At ang pusong nasugat ay hindi naman basta-bastang naghihilom. Pero kaya niyang ibigay dito ngayon ang gusto nito. Paulit-ulit siya nitong inangkin noon kahit hindi siya nito mahal, ibig sabihin ay kaya niya ring damhin ang init ng katawan nito ngayon kahit hindi na pareho noon ang damdamin niya para rito. Siguro ay may natitira pa naman sa puso niya, pero hindi na katulad ng dati. “Sige, Apollo, halikan mo ako. Kapag hindi ko nagustuhan, sasampalin kita at aalis ako. Kapag nagustuhan ko, puwede mong ituloy,” aniya, derecho at pantay ang tono ng boses. Umawang ang mga labi ng binata. “I ca

