At muli ay tila hinagis na naman ang katawan niya sa sukdulan ng sarap. Mariin niyang naipikit ang mga mata. Nauubusan na siya ng lakas. “Are you okay?” Narinig niyang tanong ni Apollo sa kanya. Kahit ang boses nito ay masarap pakinggan, na tila tumatagos, at may kasamang mainit na hagod. Nang imulat niya ang mga mata para sana ay salubungin ang tingin nito bago niya sagutin ang tanong ng binata ay tuluyang nakulong sa lalamunan niya ang gustong sabihin, sapagkat ang sumalubong sa kanya ay ang imahe ni Apollo na kaysarap titigan. Nakasampay ang isang paa niya sa balikat nito. Ang mukha ng binata ay seryoso, pero matiim at maigting ang pagkakatitig sa kanya. Maging ang panga nito ay pumupulso. Nakahubad na rin ito. Wala na itong suot ni isang kapirasong saplot. At malinaw niyang naki

