Sa loob ng kung ilang segundo ay hindi agad nakapagsalita si Ahtisa. Ramdam niya ang senseridad sa bawat katagang namumutawi sa mga labi ni Apollo. Malaki na rin naman talaga ang ipinagbago nito buhat nang iwanan niya ito. Pero hindi na kasi umiikot na lang dito ang buhay niya ngayon. Ayaw na muna niyang isipin ang kahit na ano. Ngayon ay magkasama sila ni Apollo, at susulitin na lang niya iyon, tutal ay hindi rin naman siya bulag sa mga pagsusumikap ng binata na makuha ulit ang puso niya. Nagulat ito nang hawakan niya ang mukha nito. “Ahtisa…” She kissed him. She bit his lower lip and teased the corners of his lips. “Buksan mo ang bibig mo, Apollo,” anas niya rito. Tumitig sa mga mata nito. Ginawa naman nito ang sinabi niya. But the second he felt her tiny tongue inside his mouth, h

