“This is my business,” putol ni Apollo sa litanya ng lalaki. “So, I’m not going anywhere.” Kitang-kita ni Ahtisa ang matalim na kislap na dumaan sa mga mata ni Andres. Napipikon na ito, pero hindi ito makapalag kay Apollo, dahil kilala nito kung sino ang binata. Alam nitong hindi si Apollo Altieri ang klase ng taong puwede nitong kalabanin. Nagbuga ito ng hangin at tumingin kay Josefa Manlapig. “Ms. Manlapig, bakit hindi na natin tapusin ang meeting na ito? May pupuntahan pa ang anak ko at kanina pa kami rito. Just serve the notice of the expulsion decision to this student. Para matapos na tayo rito, at makaalis na kami ng anak ko,” anito. Lumapit pa ito sa lamesa ng ginang at itinuktok ang likod ng kamay nito sa mesa. “Hindi naman mahirap gawin iyan, ’di ba? Sigurado akong may template

