Alam niyang nandiyan si Trinidad at nakahandang protektahan si Ahtisa, pero hindi niya maatim na walang gawin. Lalo na at buntis ang dalaga. Dinadala nito sa sinapupunan ang anak nila. Maybe he could make her understand—why he bought the school, why he was there, and why he couldn't stay away from her. Maybe… “I changed my mind,” tanging sagot niya sa tanong ni Trinidad. Napabuntong-hininga ang babae. “Sigurado ka na ba riyan sa desisyon mo? Handa ka ba sa magiging posibleng reaksyon ni Ahtisa?” Matagal bago siya sumagot. Handa ba siya? Hindi niya alam. Dahil ang totoo ay kinakabahan siya. Natatakot siya. Hindi siya sigurado. Pero kung lalo siyang kamumuhian ni Ahtisa ay tatanggapin niya, kung ang kapalit niyon ay maging ligtas lang ito. He could endure being on the receiving end o

