Pero ngayon ay nahihirapan itong makabuo ng litanya. Ang talim sa mga mata nito kanina, habang kausap ang ama ni Andresito, ay parang nalulusaw na yelo na ngayon. Para itong asong sobrang mabalasik kanina, na tila handang manlapa, at ngayon ay nakabagsak ang mga tainga at nakaipit ang buntot sa pagitan ng mga paa nito. “Si Dr. Domingo, konektado rin sa iyo, ’no?” tanong niya rito. Namula na ang mga mata ni Apollo. Taas-baba ang dibdib nito at ang lalim ng paghugot nito ng paghinga. “Alam mo bang na-feature sa isang kilalang publication si Dr. Domingo? Kaya nakita ko ang lahat ng mga parangal na iginawad sa kanya. Magaling at kilalang-kilala siyang doktor. Tapos dalawang daan lang ang bayad sa consultation fee niya? Parang hindi tama, ’di ba?” “I’m… I’m sorry. Yes, I know her. And sh

