“Sir, wala ba akong dagdag diyan?” “Dagdag?” “Dagdag na bonus po.” Napailing si Apollo, halos nakikita na niya ang mukha ni Trinidad na matamis at malapad ang pagkakangisi. “What is the bonus for this time?” tanong niya, kahit parang alam na niya kung ano ang isasagot nito. “Kailangan ko pa po bang sabihin, Sir? Alam mo na iyon,” anito, masigla ang boses. “What is it for?” ulit niya, tuwid pa rin ang tinig. Hindi nagbago ang tono ng boses niya. “Sir Apollo, nakailang ‘goal’ ka, eh. Kung sa football pa, pasok ang bola sa net.” “How did you know?” pormal niyang tanong sa babae. “Sus, parang hindi ko naman alam ang ganiyan. Halata naman ho. Naka-park sa labas ng gate ang kotse mo. Tapos hindi makatingin sa akin si Ahtisa kaninang umaga. Ano pa ba ang iisipin ko, lalo na at buong gabi

