Muling bumaba ang mukha ni Apollo sa mukha niya, upang muli siyang siilin ng mapusok at malalim na halik. Ginanti niya iyon. Nang buong-buo sa loob niya. Buong puso. Habang magkahugpong ang kanilang mga labi at habang mainit na gumagalugad ang dila ng binata sa loob ng bibig niya ay naramdaman niya ang muling pag-angat ng katawan niya sa hangin. Binuhat siya ng nobyo sa paraang tila sila bagong kasal. “Let’s push the date of our wedding to an earlier time. Gusto mo bang maging asawa ko na sa susunod na buwan?” tanong sa kanya ni Apollo. Gulat siyang napatingin sa mga mata nito. “Nagbibiro ka lang ba?” Hindi talaga siya makapaniwala. Dahil ni hindi nila napag-uusapan noon ang eksaktong petsa ng kasal. Bukod sa sinasabi nitong traje de bodang napili na nito para sa kanya ay wala na itong

