“Hmm…” Kunwari ay nag-isip ito, tapos ay pinisil ang ilong niya. “Probably if you didn’t add cinnamon or extra cream to my coffee, maybe—just maybe—it would taste the way I like it,” sabi nito, pero hindi naman ito mukhang iritado o inis sa kanya. Hindi katulad ng dati. “Pasensiya ka na. Hindi ko kasi talaga maalala ang sinabi mo noon sa akin kung paano ang tamang timpla ng kape na gusto mo.” Ibinaba nito ang hawak na newspaper at matiim na tumitig sa mga mata niya. “If that was the problem, you should have told me. I can always explain again how I like my coffee made.” Nakagat niya ang ibabang labi. “N-nahihiya kasi ako sa iyo. Baka isipin mo, wala na akong ginawang tama, at palagi na lang akong palpak.” Nagpakawala ng mahinang tawa si Apollo. Tawang hindi naman nangungutya kundi napa

