CHAPTER 34-2

704 Words

Ayaw na niya nang ganoon. Gusto na niyang baguhin ang buhay niya. In-on niya ang ilaw at umakyat siya ng kuwarto, at inilabas ang maleta. Kinuha niya lang ang mga damit na nabili niya gamit ang sariling pera. Ang lahat ng mga galing kay Apollo ay iniwan niya sa aparador. Ang mga alahas na regalo nito sa kanya ay iniwan niyang lahat sa drawer. Wala rin siyang dinala sa mga mamahaling sapatos na akala nito ay gustung-gusto niya. Mula sa loob ng paper bag ay inilabas niya ang traje de boda. Kung ano ang hitsura no’n nang maaksidente siya ay ganoon pa rin ngayon. Hindi na niya lalabhan iyon. Bakit pa? Tinupi niya lang iyon at ibinalik sa kahon, saka ipinatong sa ibabaw ng kama, sa bandang paanan. Lumapit siya sa dressing table at binuksan ang drawer. May maliit siyang treasure box doon. Bi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD