Hindi niya kailanman tinugon ang damdamin nito. Pero bakit siya ang nakakaramdam ng tila tumit*bok na kirot ngayon sa puso niya? Bakit ito ang umaaktong malamig? Bakit tila handang-handa na itong umalis? No, Ahtisa won’t leave me. I’m sure, she won’t leave me, naisip niya. Kung sasabihin niya ritong nakahanda siyang bigyan ito ng pagkakataong bawiin ang mga sinabi nito at mag-usap silang dalawa, matutuwa itong panigurado. Pero hindi ang inaasahan niyang marinig dito ang sinabi nito. Dahil sa huli, ang tumatak sa utak niya ay ang mga salitang, ‘Ayaw na rin kitang mahalin, Apollo.’ Tuluyan na itong umalis. Ang tunog ng paglapat pasara ng pinto pagkatapos nitong lumabas ng bahay ay nagdulot ng ibayong sakit sa dibdib niya. Ni hindi niya namalayang nanginginig ang mga kamay niya. May nag

