“Actually, nandito ako para ipaabot sa iyo ang pinapasabi ng Mommy.” “Ano iyon?” “Tumawag sa kanya ang ospital. Hindi ka raw ma-contact nang tinatawagan ka kanina, kaya kay Mommy na tumawag. Gising na si Elara… at hinahanap ka.” Napabalikwas siya ng upo. “She’s awake?” “Uh-huh. And she wants to see you. Now.” ___ HABANG inaalisan ng balat ni Apollo ang mansanas ay dama niyang nakatuon sa kanya ang tingin ni Elara. Nakaupo ito sa kama at nakasandal sa headboard. May unan sa likod nito para maging komportable ang pagkakaupo ng dalaga. Ang kumot ay nakahatak hanggang baywang. May suwero pa rin ito sa likod ng kaliwang kamay. Pero maayos na ang kundisyon nito. Nailipat na rin ito sa private room. Siya naman ay nakaupo sa stool katabi lang ng higaan. Nagboluntaryo siyang ipagbalat ito ng

