Kalimutan mo na siya, paalala niya sa sarili, pero lalong dumiriin ang pagkakakuyom niya sa mga kamao habang isinisiksik ang isiping iyon sa loob ng utak. Sa huli ay tinraydor din siya ng sariling mga paa, dahil natagpuan na lamang niya ang sariling humahakbang patungo sa kinaroroonan ng dalaga. Hindi niya mapunit ang tingin sa likod nito. Memoryado na niya ang bawat kurba ng likod ni Ahtisa, pero nang mga oras na iyon ay tila gusto niyang matighaw ang uhaw na namuo sa kanyang lalamunan, at mangyayari lang iyon kung patuloy niya itong pagmamasdan. Nanginig ang mga kamay niya, at hindi niya maipaliwanag iyon. Did he want to touch her? He continued walking toward her, each step feeling heavier than the last. Heavy but sure. “Ahti—” Naudlot ang akma niyang pagtawag sa pangalan nito na

