Sinabi niya rin sa sarili na kung may buhay pa pagkatapos ng kasalukuyang buhay niya ay ayaw na niyang magkrus pa ulit ang landas nila ni Apollo Altieri. Dahil sa buhay na iyon ay hindi na ito ang gustong mahalin ng puso niya. Dahil nakakatakot mahalin si Apollo. Ibinigay niya ang lahat dito, pero ano ang napala niya? Nilinlang lang siya nito. Ginamit. Pinasakitan. Ano ang isinukli nito sa kanya? Pamimighati at paghihinagpis. He broke her. “Bakit hindi mo ipinaalam sa akin ang nangyari sa iyo nang araw na iyon, Ahtisa?” untag sa kanya ni Apollo. Gumuhit ang mapaklang ngiti sa mga labi niya. Tumingala siya para matitigan ito sa mga mata. Ang sa sariling mga mata naman niya ay nagkakanlong ang magaspang na kalamigan. Ganoon na dapat niya titigan ang binata ngayon. Wala na itong ibang e

