Hindi siya agad nagsalita, panay hinga lang siya nang malalim. “Tsk, babalik na lang ako sa ibang pagkakataon—” Naudlot ang litanya niya nang walang abog na hagipin ni Apollo ang kamay niya. He held her hand in public! Isa iyon sa mga gusto niya noon, pero hindi na iyon ang gusto niya ngayon! Namilog ang mga mata niya at pilit niyang hinihila ang kamay, subalit tila bakal ang kamay nito. “If you want to get more attention than you already have, then resist more. Show them how much you hate being held by me.” Kahit tuwid ang anyo ng mukha ni Apollo ay dinig na dinig ni Ahtisa ang paglagatok ng mga bagang nito, at ang lalong paghigpit ng kamay nitong nakakuyom sa kamay niya. Bakit parang ito pa ang galit? Galit ba ito na pilit niyang hinihila ang kamay niya? Bakit kasi hinahawakan siya ni

