CHAPTER 51 - SPG-2

706 Words

“Apollo, baka may makakita sa atin dito,” nababahalang sabi ni Ahtisa, lumingap ito sa paligid para tiyaking sila lang ang tao roon. “Tayong dalawa lang ang nandidito,” aniya. “Sinundan mo ba ako rito?” tanong nito sa kanya. Nagkibit-balikat siya. His face showed no emotion. “Did I? Maybe.” “Apollo, bumalik na tayo sa function hall. Baka hinahanap na nila tayo.” “Come here first.” Ibinaba niya ang wineglass sa maliit na lamesita, at ibinuka ang mga braso niya. Kahit nag-aatubili ay naupo rin si Ahtisa sa kandungan niya. Pinalis niya ang hibla ng buhok ng dalaga na nagsasayaw sa tapat ng mukha nito, at inipit iyon sa likod ng tainga nito. Tapos ay humaplos ang daliri niya sa labi ng dalaga, na bahagyang umawang. “Can we kiss again?” tanong niya rito. “Baka may biglang pumasok dito.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD