“By signing that, you’ve just saved a property manager who was on the verge of losing his job because he couldn’t convince you to sign,” kaswal na sabi ni Apollo. Nalaglag ang panga niya. “Binantaan mo rin ang property manager na sesesantehin kung hindi niya ako makukumbinsing tanggapin ang villa?” Kaya pala halos lumuhod na sa paanan niya iyong tao noong huling pagkikita nila. Sa halip na sumagot o tumango ay gumuhit lang ang makahulugan pero payak na ngiti sa mga labi ni Apollo. Napailing na lang siya at halos ihagis pabalik sa binata ang mga dokumento at ang ballpen. Nahulog sa sahig ng sasakyan ang mga iyon. Tinignan lang iyon ng binata, pero hindi iyon pinulot. “Thank you, Ahtisa,” sabi lang nito. “Napirmahan ko na. Ngayon, puwede na ba akong bumaba?” Inilahad ni Apollo ang kamay

