Tumango ang serbidor. Nang muling tumingin si Apollo kay Ahtisa ay nakita niyang nakatingin ito sa kanya, at may mapang-uyam na kislap ang naglalaro sa mga mata nito. He didn’t want her to misunderstand him. Hindi siya ang nagdala kay Elara sa pagtitipong iyon. Tumindig siya, subalit hinagip ni Elara ang kamay niya, pinigilan siya. Gustung-gusto niyang iwasiwas ang kamay ng babae. Bakit pinipigilan siya nito? Gumalaw ang linya ng panga niya. “Ahtisa, hindi ba sabi mo ay may boyfriend ka at ikakasal na kayo? Ang sabi mo noon sa amin ay ipapakilala mo siya sa amin. I even said that I am great at picking up on what kind of person someone is, remember that?” tanong ni Ares kay Ahtisa. Ang tanong na iyon ay muling nagpaupo kay Apollo. “Oo nga naman, Ahtisa. Sino ba iyang misteryoso mong

