Si Athena naman ay nakikinig lang sa mga nakatatandang kapatid nito, nakapaskil ang naaaliw na ngiti sa mukha nito. Napaigtad pa si Ahtisa nang biglang umabrisyete sa kanya si Artemis. Matamis ang pagkakangiti nito sa kanya. "Dito ka muna, Ahtisa, ha. Magkuwentuhan pa tayo. You know, it's been a while since we last saw each other, so let's catch up more." Hindi niya alam kung paano ito tatanggihan. "Let her go, Artie," pormal ang tinig na saway ni Apollo sa kapatid. "Shut up, brother." Itinirik lang nito ang mga mata pataas at sinimangutan ang binata. Muli itong bumaling sa kanya. "Have you gotten married already?" Nanigas ang likod niya sa tanong na iyon. Nagpatuloy si Artemis. "Na-curious lang ako. Nag-resign ka dahil sa boyfriend mong inalok ka ng kasal, 'di ba? And it's been wha

