Mula sa pagsuri sa mga forms ay dumako ang mga mata niya sa babae. "What are you still doing here?" He didn't pretend to be polite. Makikita rin sa mukha niyang iritado na siya. "Ano po, uhm, m-may girlfriend—" Tinalikuran na niya ang babae. Hindi na niya tinapos pakinggan ang litanya nito. He had no interest in hearing what she had to say, anyway. Naupo siya sa isa sa mga upuang nakahilera sa gilid ng pasilyo ng ospital. Ang bilis niyang napunan ng impormasyon ang forms. Alam na alam pala niya ang lahat kay Ahtisa. Emergency Room Information Sheet Patient Information: Name: Ahtisa Sinagtala Age: 25 Gender: Female Contact Number: *Refer to guardian's contact number below* Hindi niya sinulat ang pribadong numero ng cellphone ni Ahtisa. Ayaw niya. Kung kailangan ng mga itong tawaga

