“I already told you to tell her that I’m busy,” aniya. "So, advise her not to wait for me, because I won't be coming." _____ “HINDI ba talaga siya pupunta rito? Kahit… kahit alam niyang na-ospital ako? Kahit sandaling-sandali lang? Hindi ko naman hinihinging manatili siya rito nang matagal. Dalawin lang sana niya ako, kahit saglit lang.” Nanlulumo si Ahtisa nang marinig ang sinabi sa kanya ng Executive Assistant ni Apollo. Ang sabi nito ay abala raw ang binata sa tambak nitong trabaho sa kompanya at hindi nito magagawang dumalaw pa ng ospital. "I’m sorry, Miss Sinagtala. Our CEO is really busy right now. Hindi talaga siya makakapunta. But I hope you’d be glad to know that he has already settled and paid all the medical fees and the hospital bill,” anito. Gumuhit ang mapait at malungkot

