Mayamaya ay marahas niyang itiniklop ang mga hawak na dokumento. "I did not ask for something this useless," maanghang niyang asik sa sekretarya. Napaigtad ito. "A-ano po?" "If you can make time to disregard the company's dress code, then you certainly have time to fix this. This report is completely inadequate." Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng babae, ang tinging ipinamalas niya rito ay puno ng disgusto. Kulang na lang ay iiling niya ang ulo. Namula ang buong mukha ng babae. Napahiya ito. Hinila nito pababa ang suot na palda at mabilis na ibinutones ang blusa. Hindi nito malaman kung paano gagamitin ang mga kamay para itago ang katawan nito. Hiyang-hiya ito at pinamukalan ng luha ang mga mata. Kaswal na inayos ni Apollo ang pagkakapuwesto ng salamin niya sa tulay ng matangos niy

