"Ihahatid ka na namin sa bahay mo, Miss Sinagtala," ani Ramona. Umiling siya. "Huwag na. May usapan na kami ni Mang Savio. Susunduin niya ako rito." Biglang nag-vibrate ang cellphone niya. Napatingin siya sa screen. One message received. Binuksan niya iyon. Galing kay Apollo. Apollo: Get in the car. Marahas siyang napatingin sa sasakyan. "Nandiyan ba ang boss mo ngayon?" gulat niyang tanong kay Ramona. "Yes, he's waiting for you." Napalunok siya nang pagbukas niya palang sa pinto ng sasakyan ay ang matalas na anggulo ng nakatagilid na mukha ni Apollo ang tumambad kaagad sa kanya. His side profile was sharp and undeniably attractive, with an intimidating edge. Isang tingin niya lang dito, alam na niyang mainit ang ulo nito. Hindi tuloy siya makapagdesisyon kung papasok pa ba siya sa

