Yumuko siya at napatingin sa mga pagkaing nasa tray. May baso rin ng gatas doon. Nauhaw siya. Inabot niya ang baso at sinimsim ang gatas. Napapitlag pa siya nang haplusin ni Apollo ang kanyang pisngi. Nag-angat siya ng tingin at tumitig sa mga mata nito. Titig na titig din pala ito sa kanya. Walang kapares ang intensidad na nakapaloob sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Muntik na tuloy niyang maibuga ang gatas. “There’s a bit of milk spilled at the side of your lips. I’ll clean it for you.” Pinahid ng hinlalaki ni Apollo ang gatas na nasa gilid ng mga labi niya. Parang napaso siya sa init ng daliri ng binata. Napatuwid tuloy siya ng pagkakaupo at iniwas ang mukha rito. “Ako na!” Mabilis niyang idinampi ang likod ng kamay sa mga labi niya, tinuyo ang gatas na sinasabi nitong na

