CHAPTER 28

2226 Words

Tinitigan niyang mabuti sa mga mata si Apollo, kahit masakit sa dibdib. Puwede pa bang humirit siya ng huling katangahan? Huling kahibangan? Huling-huli na. Patay naman na ang babaeng mahal nito. Baka mapaghilom niya ang sugat na iniwan ni Elara sa puso nito? Baka matulungan niya itong maging totoong masaya ulit? Baka… siguro… sana. Alam niyang sobrang tanga na niya sa puntong iyon. Batid niyang nagpapaalipin na siya sa puso niya, at hindi na niya ginagamit ang utak. Pero matiim niyang inuukit sa isipan ngayon na iyon na ang pinakahuli. Pagkatapos niyon, kapag nasaktan pa uli siya, alam niyang wala na siyang maibibigay pa. Iyon na ang huling hiblang meron siya. Huling pagpapakatanga para sa taong hindi siya mahal. Kapag hindi niya pa rin nakuha ang puso nito, titigil na siya, dahil alam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD