CHAPTER 58

2816 Words

“Magtatapos muna ang mundo, Apollo, bago ko ibuka ang mga binti ko sa iyo,” naniningkit ang mga matang sikmat ni Ahtisa sa binata. “Then I guess I’ll just sit back and watch the world burn while I wait.” May kalakip na intensidad ang baritonong tinig ni Apollo, kahit na marahan lang ang pagsasalita nito. Ang mga mata nito ay nakatitig sa kanya. Hinagis niya ang face towel na may yelo rito, at tumama iyon sa dibdib nito bago isa-isang nahulog ang mga yelo. Lumikha ng mahinang tunog ang pagsalpok ng bawat ice cube sa hardwood flooring. Pareho pang sumunod ang tingin nila sa mga yelong nakakalat na ngayon sa sahig. Sabay din silang nag-angat ng mukha kaya nagtagpo ang mga mata nila. Gumalaw ang kulay taglagas na mga mata ni Apollo at dumako sa mga pulang markang iniwan nito sa leeg niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD