Battle of Oros

1195 Words
Sabay sabay na pumwesto ang apat na nakaitim na lalaki sa harapan ni lolo goryo at vita, at tumatawa nang malalakas, napansin ni lolo goryo ang mga eto na may simbolong “cross” sa kanilang mga suot na damit. Bumigat ang paligid sa kapwa intimidasyon ng magkabilang grupo, samantalang si vita ay nagtataka kung papaano nakapunta ang mga lalaki sa isla, at biglang naalala ni vita ang sinabi nang kanyang lolo na “malapit mo nang malaman kung ano mga gusto kong sabihin sayo” eksaktong salita ni lolo goryo nung nagtanong si vita kung bakit ayaw nya etong paalisin ng isla. “Ayon kay Lolo Goryo” – kumusta mga iho? Mukang naliligaw yata kayo walang ibang nakatira dito kundi kami lang, at ano naman ang ginagawa nang apat na musketero “4 Musketeer” sa maliit na islang eto? Kayo na ba yan “Artagnan, Porthos,Aramis at athos” hahahah matagal na panahon na nung huli kayong makita, ang lalaki nyo na hahahha? “Ayon kay Artagnan” – hhhmmmm! Maingay ka pa rin kagaya nang dati, buti naman naalala mo pa kami dati naming guro? Bigla kang umalis at hindi manlang nagpaalam sa mga estudyante mo? Kaya walang espesyal na ugnayan tayo sa panahong eto, nagpunta kami para pa bagsakin ka? “Ayon kay Vita” – wow lolo!, kilala mo pala sila hahahah! Eh bakit nila tayo inaatake? “Ayon kay Lolo Goryo” – oo apo kilala ko sila, sila ung mga estudyante ko nung matagal na panahon na. “Ayon kay Artagnan” – hahaha may apo ka? Paano naman magkaka-apo ang isang taong malungkutin kagaya mo, na kaya mo ngang iwan ang lahat ng meron ka noon tapos ngayon may bata ka na inaalagaan hahhaha nakakahiya ka bilang isang guro. “Ayon kay Lolo Goryo” – hahaha ikaw na ba lider ngayon nang grupo artagnan? Hahah kagaya nang dati ikaw parin talaga pinaka mahusay sa estudyante ko, pero ano ba talaga pakay nyo sa islang eto? Ano ang ginagawa nang matataas na opisyal nang royal palace dito? “Ayon kay Porthos” – pumunta kami dito para tapusin ka dating guro! Yan nalang ang mabibigay naming na pasasalamat sayo sa pagtuturo mo sa amin. Wag ka mag-alala tatapusin namen kayo nang mabilisan: biglang nagalit ung mukha nung tumingin kay Vita. “Ayon kay Lolo Goryo” – owwww! Porthos hahaha malamig parin talaga pakikitungo mo sa mga tao hanggang ngayon? Relax ka lang hindi bata kasama ko ngayon, isa syang magalang na bata kagaya nyo noon hahahah? Kumunot ang noo nang lider na si Artagnan, Nagpakawala agad eto nang napakalakas na murderous sa paligid nya, bigla naman agad etong kinontra ni lolo goryo at nagpakawala rin nang murderous, halos hindi makagalaw ang lahat, yumayanig ang lupa, nabulabog ang mga hayop tumataas ang mga alon, at naghihintay ang bawat panig na kung sino unang aatake. “Ayon kay Lolo Goryo” – hahahaha! Sa tingin nyo kaya ako nag apat na opisyal ng royal palace? Hahaha isang buong bansa kelangan nyo para talunin ako. Hahaha ganyan ba kayo pinalaki nang hari nyo hahahahha, sabihin nyo sa hari nyo ang pangangamusta ko kapag pinauwi ko kayong umiihi sa salawal nyo hahahahah. Sumigaw ng malakas si Aramis at Athos, pinakawalan nila ang dalawang aura ball sa kanilang mga kamay patungo kay lolo goryo at vita, agad naman na nakuha ni lolo goryo si vita at nakaiwas sa pag atake, takang taka si vita sa lahat nang pangyayari, at simple naman ngumiti si lolo goryo sa inasal nang apo nya. At patuloy ang pag atake nang dalawa kina lolo goryo at vita, pero madali lang eto naiiwasan nang dalawa. “Ayon kay Lolo Goryo” – vita! Labanan mo ang takot mo, kaya mong lumaban gamit lahat nang natutunan mo saken, eto na ang panahon para mapatunayan mo saken ang kamalayan mo? “Ayon kay Vita” – lolo natatakot ako! Tsaka papaano mo sila nalaman na paparating sa isla?katapusan na naten lolo? “Ayon kay Lolo Goryo” – katapusan na naten kapag hindi ka kumilos at nag isip ikalma mo sarili mo hindi ko kakayanin nang sige iwas lang tayo, naramdaman ko sila nung malayo pa sila sa isla gamit ang pakiramdam ko. Patuloy naman ang pag atake nang dalawa, at bigla nang nagseryoso si lolo goryo at nilagyan nya nang protection ang katawan ni vita, at bigla etong nag pakawala nag isang napakalakas na murderous aura na halos gumiba sa buong kapaligiran, napatigil ang dalawa (aramis at athos) sa pag atake dahil sa pinakawalan ni lolo goryo, pumwesto agad ang lider na si artagnan at gumawa nang malaking fire aura ball at ipinukol kay lolo goryo, madaling hinampas lang eto ni lolo goryo nang kanyang kamay na para nag tapik lang nang langaw sa paligid. “Ayon kay Lolo Goryo” – hahaha yan na ba ang kakayanan nang lider nang musketero? Hindi ako mapapatay nang simpleng apoy nang kandila mo hahaha. “Ayon kay Artagnan” – hambog ka pa din matandang hukluban, tanggapin mo eto, Blazing fire ball haaaahhhhhhhhhhhhhh! Isang napakalaking bolang apoy ang pinakawalan nang lider na si Artagnan at triple na ang laki neto sa nauna, hinati lang ni lolo goryo nang espada nya ang bola na parang nagbiyak nang pakwan, at biglang naglaho sa paligid, at laking gulat ni athos na nasa harapan nya na ang matanda, biglang sinuntok ni lolo goryo sa tyan si athos at tumalsik eto sa napakalayong lugar at napasuka nang dugo. “Ayon kay Lolo Goryo” – Bagsak ang Isa! Tatlo nalang kayo ngayon? Nag sabay sa pag atake si artagnan at porthos sa matanda pero nasasabayan lang eto ni lolo goryo na parang isang larong pambata, nag kalat sa hangin at ginigiba lahat nang matamaan nang aura nina lolo goryo , artagnan at porthos. Tumagal ang labanan at napatigil na lamang ang mga eto nang napaisip nang plano si artagnan, namamangha si vita sa pangyayari pero kinakabahan parin sya kasi ngaun lang sya nakakita nang seryosong labanan. “Ayon kay Artagnan” – aramis? Alam mo na. “Ayon kay Aramis” – yes sir. “Dark Aura technique” (summon). Dahil sa Teknik ni aramis, may isang usok ang bumalot sa paligid nang labanan at nang nawala ang usok sa paligid ay may isang malaking halimaw na anyong leyon at may buntot etong ahas na tinawag eto ni aramis nang “chimera” isang level 3 monster na pinapalakas nang itim na kapangyarihan. Agad naman etong pina-atake kay vita ni aramis para mawala sa focus si lolo goryo sa pakikipaglaban. Nagsisigaw si vita sa pag atake nang halimaw at nag tatakbo eto papalayo, nang tutulungan eto ni lolo goryo ay pinigilan sya ni artagnan at porthos. “Ayon kay Artagnan” – alam namen malakas ka dating guro, pero hindi namen hahayaan na maproteksyunan mo ang batang yan haha! “Ayon kay Lolo Goryo” – haha! Alam kong kaya nang batang yan ang maliit na pusang yan. “Ayon kay Porthos” – hahaha! Maliit na pusa ba? Eh halos maihi na sa salawal ang batang yun? Hindi na kayo sisikatan nang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD