Alexander’s Point of View Bagsak ang katawan ko sa sobrang pagod. Kakauwi ko lang galing sa trabaho. Kay hapdi ng mga mata ko dahil kulang pa ang tulog ko kagabi dahil kinailangan kong tapusin ang sandamakmak na paperworks sa opisina. And it’s not like I am complaining. I am doing things willingly. Ginagawa ko ang lahat nang ‘to dahil sinalo ko ang trabaho ng asawa ko. It’s been three months since I told her to stop working. Ilang pagtatalo pa ang naganap bago siya pumayag na mag-maternity leave. Pero ang kondisyon? Never replace her. She made me agree na kapag naka-recover na siya sa panganganak ay magtatrabaho siya ulit—even if she has to work from home. Pero dahil ayaw kong maisip niya ang mga naiwang trabaho niya, I am doing extra work just to make sure she will have a peace of mind

