52 - Dating Summer’s Point of View “Welcome back, ate!” bibong bati sa akin ni Lenlen nang makarating ako sa bahay. Kita ko agad kung paano gumalaw ang mga mata niya na tila ba may hinahanap sa mga dala ko, kaya hindi ko na siya pinahirapan pa at ipinakita ko sa kanya ang paperbags na dala ko. “Pasalubong, ‘no?” nakangising sabi ko sa kanya. “Ayon!” aniya saka mabilis na lumapit sa akin. “Thank you, ate!” Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. “Si Mama?” “Natutulog na, ate. Pero tingin ko magigising ‘yon mamaya pagkapasok mo,” aniya saka niya isa-isang tiningnan ang mga paperbag na dala ko. “Gabi-gabi kang hinahanap no’n, eh.” “Paano mo naman nasabi?” tugon ko. “Sinabi niya ba sa ‘yo?” pabirong tugon ko. “Hindi, siyempre. Pero ramdam ko, ate. Pansin ko sa mga mata ni mama na hinahan

