MARAHAS na bumuka ang mga mata ni Alexander nang pumalahaw ng iyak ang kanilang anak. Kakaidlip niya pa lang. Kay hapdi pa ng kanyang mga mata pero wala siyang nagawa kundi ang bumangon at puntahan ang kanilang anak. Ayaw niyang maistorbo ang tulog ng kanyang asawa lalo na't maghapon itong nag-alaga ng bata. Mala-zombie siyang bumangon mula sa kanilang kama saka pinuntahan ang kanilang anak. "Heather, baby..." pag-alo niya rito at kinarga ito mula sa crib. "Are you hungry? Did you wet your diaper?" nakangusong tanong niya habang marahang idinuduyan sa kanyang braso ang anak. Nang hindi pa rin ito tumigil sa pag-iyak ay dinala na niya ito sa kabilang kwarto—ang kwarto talaga nito. Binuksan niya ang ilaw at agad na pinahiga ang bata sa kama. Pagkatapos ay tiningnan niya ang diaper nito at

