Chapter 1: Deal

1866 Words
“Kailangan niya ng kidney transplant, Ms. Alonzo. No medication can cure her illness. Oo nga at hindi na niya gaanong iindahin ang sakit niya kapag iinum siya ng gamot but we can not guarantee na gagaling siya using the medication. Macoconceal lang nito ang sakit pero hindi mawawala.” “Huwag ho kayong mag-alala. Maghahanap po ako ng panggastos.” Saan naman siya kukuha ng panggastos? Aasa na lang ba siya sa mga painting niya? Ang liit lang ng komisyong nakukuha niya doon. Kahit gaano pa kaganda ang gawa niya kung hindi naman siya sikat, wala rin. Malungkot na ngumiti ang doctor habang tinatapik ang balikat ni Belle. Alam niya kasing mahirap lang sa buhay ang mag-ina dahil matagal na niyang pasyente ang nanay ni Miss Alonzo. “Sige. May pasyente pa ako. If you have any concerns, just come and find me, okay?” Paalam ng Doctor at umalis na. Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ni Belle pagkaupo niya sa upuang katabi ng hospital bed, kung saan nakahiga ang ina. Ayun sa doktor, malubha na ang kalagayan nito. Kailangan ng bagong atay ang ina. Wala na kasi itong isang atay dahil nasira na at ganun ang nangyayri sa isa nitong atay ngayon. Baon na sila sa utang at ang bahay na tinitirhan nila ay nakasangla na. Kung hindi lang sana namatay ang tatay niya sa isang aksidente hindi magkakaganito ang ina niya. Matapos kasing maaksidente ang ama ay nalulong na sa sugal at alak ang ina. Hinugot niya ang cellphone sa bulsa na tumutunog. Sinagot agad nang nakitang pangalan ng kaibigan na nasa Maynila. “Belle!” Matinis ang boses na bungad ng kabilang linya. "Fran," walang kasigla-sigla niyang bati sa kaibigan. "Ayos ka lang?” Nag-aalala niyang tanong nang mapansing hinihingal ang kaibigan. Sanay na siya sa kaibigan niya, iba kasi ang pinasok na trabaho. Hinaplos niya ang buhok ng ina bago tumayo sa harap ng bintanang jalousie na may na kaharang na grills. Nilalanghap ang kunting hangin na pumapasok dito. “Oo naman." Pero nahihirapan pa ring habulin ang hininga. Bumunot ito ng malalim na hininga, "nangangailangan ka pa rin ba ng pera?” patuloy nito, klaro na sa boses ng kaibigan ang pag alala. Unti-unti ng humuhupa ang paghingal. “Palagi naman Fran e.” Sinusulatan ang bintana gamit ang alikabok nito. Nakagat niya ang labi. Gusto niyang isigaw ang frustrations niya. Magwala o umiyak. Nagkahalo-halo na ang emosyon. Wala ng mangyayari sa pangarap niya dahil sa nangyari sa ina malabo ng matupad ang pangarap niyang makilala bilang isang sikat na pintor bansa. Nais pa sana niyang pag-aralan ang nakahiligan at pangarap niya pero sa nangyari sa ina malabo ng mangyari iyon. "Hindi na madadagdan ang kaalaman tungkol sa pagpipinta. Napatingin siya sa inang nakahiga. Sumilay ang malungkot na ngiti sa labi. “Kailangan ng maoperahan ni Mama. Ayaw ko siyang mawala. Siya na lang ang nag iisang pamilya ko dito sa mundo.” Kung hindi niya pipigilan ang sariling umiyak ay baka maging hagulhol pa ito, kasalanan pa niya kung bakit nagising ang ina. “May alam ako beh pero nagdadalawang isip ako pero milyones ang nakataya dito. Galing 'to sa kaibigan ko s***h costumer. Hanap nila magandang babae at saktong pangangatawan. Pasok ka naman pagdating doon. Huwag kang mag-alala at hindi naman 'to human trafficking." Paninigurado ng kaibigan sa kanya. "Maaaring ito na yung sagot sa problema sa pagpapaopera kay Tita." Masaya ang boses nito pero lumungkot din, "Pasensya ka na talaga kasi ito lang ang maitutulong ko. Tuition din kasi ni Paopao, beh e. At hindi rin 'to kakasya. Masyado ng malaki ang bill niyo sa ospital." Tinutukoy ng kaibigan ang boyfriend nito. "Huwag ka munang magdesisyon agad-agad kapag nasabi na niya ang deal ha? Pag-isipan mong mabuti." Paalala ng kaibigan. "Oo, Fran. Maraming salamat." Tango niya kahit hindi naman kita ng kaibigan. "Gaga. Huwag ka munang magpasalamat. Wala pa nga e. Marami kayong pagpipilian kaya huwag munang pakampante dahil?" huminto sa pagsasalita ang kaibigan. Alam na niya kung ano dapat ang isasagot dito. "Dahil wala kang pante." Natatawang saad niya. Natawa na rin ang kaibigan. Gustong-gusto siya ng kaibigan dahil mabilis siyang sumusunod sa pinapagawa nuitong kalokohan sa kanya. Ito nga din dahil kung bakit ng standing ovation sila ng tatlong oras sa klase. Sa kanya kasi pinatago ng kaibigan ang assignment notebook ng kaklase nilang nag-iisang may nagawang assignment. Para pareho silang lahat na walang assignment nakaisip ng kalokohan ang kaibigan. At nang oras na ng pagpasa ng assignment umiyak yung may-ari ng notebook. Nagsumbong ba naman sa teacher. Kaya ang ending isa-isang chineck ng teacher ang bag nila. Nang makitang ang notebook ng kaklse ay nasa bag niya ay agad na umamin ang kaibigan na ito talaga ang may pakana, nadamay lang siya. Ang ending silang dalawa ang naparusahan dahil sinakyan niya ang trip ng kaibigan imbes sawayin niya 'to. "Magbibigay ako ng pictures mo sa kaibigan ko ha? May picture mo naman ako dito. Ito na lang ibibigay ko. Magiging maayos din ang lahat beh. Kahit naman ganito ako naniniwala pa rin ako sa binibigay na himala ng panginoon." Pang-aalo nito sa kanya. Bahagyang pinapasaya ang boses. Naiiyak na naman siya. Napakaiyakin niya talaga. "Salamat talaga, beh." ***** "What is your name?" "Ara Belle po." Pinilit takpan ni Belle ang hiya pero bigo ata siya. "Full name." The man in suit smiled in a friendly way. Ewan ba niya pero hindi naman siya makangiti sa sitwasyon niya ngayon. Nasa isa sa mga pribadong kwarto sila ng isang sikat na restaurant. Kanina pa nanginginig at namamawis ang kamay niya at pasekretong ninanakawan ng tingin ang lalaking nakasuit. Hindi niya gagawin ang bagay na 'to, lalo na't hindi ito magugustuhan ng nanay niya. Mag-ingat at huwag agad-agad magdesisyon. "A-Ara Belle Alonzo po." Pinilit niya ang sariling hindi mapangunahan ng nerbiyos. Sinong ba hindi ninerbiyosin sa nangyayaari. Milyones ang pera at hindi niya pa alam kung ano ang ipapagawa sa kanya. "I'm Attorney Luige San Jose. Just call me, Lui na lang para hindi ka na mailang." Nilahad ng Attorney ang kamay nito para sa isang pakikipagkamay. Inabot ni Belle ang kamay ng Attorney. "Ilang taon ka na pala?" Tanong ng Attorney kay Belle. Sabi ng kaibigan ay isa itong attorney at madalas itong pumupunta sa bar kung saan nagtatrabaho ang kaibigan. Naging iskort daw ang kaibigan ng lalaking 'to. Hindi naman daw 'to masama at kaibigan lang ang tingin ng lalaki kay Fran kaya walang nangyaring kababalaghan sa kanilang dalawa. "Bente uno po." Sagot niya. "Alam mo na siguro kung bakit milyones ang halaga ng ipapagawa namin sa 'yo?" Mabilis na umiling si Belle. Wala namang sinabi ang kaibigan tungkol dito. Ang alam lang niya ay malaking pera ang kapalit ng gagawin niya. Hindi na niya iniisip kung ang anong mangyari sa kanya basta ang importante maipagot niya ang nanay malubha na ang karamdaman. “You need to carry an heir.” Bulalas ni lalaki. Seryoso ang pagmumukha nito. 'Isang tagapagmana?' Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng lalaking nasa harap. "Seems like Fran didn't mention about what you need to do? Masyado namang sineryoso ang pagkakasabi ko na huwag ipaalam agad kung ano." He smiled pero hindi pa rin talaga siya komportable. 'Ganoon ba talaga kahirap manganak para magbigay sila ng malaking halaga? Kung tagapagmana ibig sabihin dapat lalaki ang batang iluluwal niya.' "Paano po kung babae ang bata?" Hindi niya napigilang itanong. Naging seryoso ang pagmumukha ng lalaki. "That is not your concern anymore, Miss AlonZo." Tinikom na lang niya ang bibig at tumango. Tama nga naman. Hindi na niya problema kung ano ang mangyayari sa bata. Nilagay ng lalaki ang dalawang sa lamesa at pinagsalikop. Mas lalong sumeryoso ang pagmumukha nito, titig na titig sa kanya. "This agreeement that we are talking is highly confidential. I hope it's clear to you." Napaayos siya ng upo. Ang itsura niya ay tila ba tinakasan siya ng dugo sa katawan. Tama nga ang kaibigan niya. Delikado nga 'to. Bigatin na tao ang sangkot sa usapang ito. "Kayo po ba ang nangangailangan ng tagapagmana?" "No. I am not. We can not disclose the information about the client." Simpleng saad ng lalaki na kinatango niya. Hindi niya alam kung tinatakot ba siya ng lalaki o ano pero seryoso naman ang pagmumukha ng lalaki. Napalunok siya dahil biglang nanuyo ang lalamonan niya. 'Kaya naman pala malaki ang ibabayad nila.' Nisip niyang sikat siguro ang kliyente kaya takot mahuli ng publiko? O baka parte ng l***q community ang lalaki at gustong ng magkaanak kaya desidido ng magbayad ng malaking halaga para lang magkaanak at gawing tagapagmana. Ang swerte naman niya kung ganon nga. Magiging ina siya ng isang mayamang bata. "All you have to do is carry his own child. We will give you the sperm after the test result to see if you are applicable to carry a child and your allowance? We will give it to you together with the money for the test result. The compensation for carrying the child, well, we will give it to you after you give birth. You will manage everything and when I say EVERYTHING it means from the test, IUI procedure until you give birth. Magkikita tayo ulit after mong manganak. We need to be careful here, Miss Alonzo. This is VERY CONFIDENTIAL. Hindi kami ang pwedeng tumulong sa pagproseso at kung ano man ang dahilan, isa lang ang tatandaan mo, walang dapat makaalam." Ani ng Attorney. Kung literal talagang nakakadugo ng ilong ang pakikipag-usap sa taong sanay ng mag english baka kanina pa siya naubusan ng dugo. "K-kailan po ba magaganap ang procedure?" Parang magic lang ang gagawin nila sa simple niyang tanong. Masakit daw ang manganak. Mas lalong namawis ang kamay niya na sinabayan na ng paa. "Once you sign the contract we will start immediately. My client wants it to be done as quickly as possible." Sa sinabi ng abogoda parang gusto na nitong ngayon na niya iluwal ang sanggol. "Pwede po bang mag a-advance p-payment?" Umaasa talaga siyang bibigyan siya ng mga ito. Kailangan niyang mabayaran ang bill sa hospital. Sabi rin ng doctor, kailangan ng maoperahan ang nanay niya sa lalong madaling panahon. "Kilala ko ang nagrekomenda sa 'yo miss Alonzo pero hindi naman ibig sabihin na pagbibigyan ka kaagad sa hiling mo. Maybe after a few examines and to make sure that you are not carrying a contagious disease pwede na naming ibigay ang gusto mo but we need to make sure that the baby will turns out be a healthy child." Umaayos ng upo ang lalaki. May kinuha ito sa case niya, papeles. May inabot na ilang kapirasong papel ang lalaki. "Here's the contract." Hindi na nagdalawang isip si Belle at pinirmahan na niya agad. Nakalimutan niya ata ang paalala ng kaibigan sa kanya. "I guess, you haven't eaten yet?" tanong ng lalaki, tumingin ito sa mga pagkain na nasa harap nila. Kanina pa niya na aamoy ang bango ng pagkain kaya nga hindi siya mapakali. Nahihiya na rin siya dahil kanina pa tumutunog ang sikmura niya. Ewan na lang niya kung naririnig ba ng lalaki. Nagsimula na siyang kumain. Binabaling ang takot, pangamba, hindi matumbasang kaligayahan dahil maooperahan na ang nanay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD