Napakunot ang noo niya nang makita sa na may nakatayo sa may pintuan ng kanilang bahay.
Sa pagkaka-alala niya wala naman silang malaking bulldog. Isa ba 'tong ligaw na aso?
"Hoy, Ara! Kailan ka magbabayad ng upa sa bahay? Tira-tira kayo tapos hindi naman kayo marunong magbayad sa tinirhan niyo!" Nakapamewang itong nakatayo sa may pintuan ng tinitirhan niya.
Napangiwi siya sa tahol ng aso---este ng land lady na inuupahan niya na apartment. Akala pa naman niya may bago ng aso. Si Aleng Hilda lang pala ang nakaabang. Akalain ba namang may lahi pala itong aso, tahol kasi ng tahol
"Pahingi na lang po nang kahit konting palugit." Nahihiya niyang saad, naisang linya ang labi.
"Palugit?! Ilang buwan na ba 'yang palugit na 'yan?! Hoy, Ara! Baka nakalimutan mo, ilang buwan na kayong hindi nakakabayad!" Padaskol na binuksan nito ang pamaypay at pinaypayan ang sarili.
May tabako ito sa bibig, curler sa buhok at nakasuot ng dilaw na daster. Nakalaylay ang d*de nito na hindi man lang nag-abalang magsuot ng bra. Mukha itong typical na Snoopy gangster. Kulang na lang ata pasuotin ito ng bling bling.
Nakagat niya ang labi at mariing naipikit ang mata. "Bukas po ng tanghali." Determinadong sabi niya.
Hindi naman kagandahan ang inuupahan nila pero kung makasingil ng malaki ay dinaig pa ang presyo ng isang konkretong bahay. Sanay naman siya sa bahay na hindi maganda pero ang kasama kasi niya sa nirerentahan ay medyo sensitibo ang balat.
"Siguraduhin mo lang! Baka bukas makita mo na lang ang gamit niyo na nasa labas na." Sa nagbabantang boses ng Land do--lady.
Tinanggal nito ang tabako sa bibig at binuga ang usok sa mismong pagmumukha niya bago ito umalis. Napaubo pa siya nang malanghap ang usok na galing sa tabako. Inuubos talaga ng babae ang pasensya na meron siya.
Iba siya magbanta dahil ti-no-totoo nito. Nanggigil na binuksan niya ang pintuan ng inuupahan. Kamuntikan pa siyang matumba nang masira ang nag iisang nakakapit na bisagra dito. Napasigaw siya nang biglang natumba ang pintoan. Sa inis ay hindi na niya napigilang masipa ito.
Napahinga siya ng malalim nang makitang nagkalat ang mga gamit niya. Isa-isa niyang pinulot ang mga ito. Napapailing na lang siya. Ilang beses na niyang sinasabihan ang kasama sa inuupahan na huwag pakialaman ang mga napkin niya. At tila ba nagmana nga sila ama, pinapatagos lang sa kabilang tenga ang mga sinasabi niya.
Wala na naman sigurong magawa ang mga 'yon kaya pinagtripan na naman nila ang mga napkin niya. Pati panty niya ay nakabukaka sa lamesita. Imbes na magpahinga ay naggeneral cleaning na lang siya kahit na may anay na konting kahoy ang inuupahan at naligo rin pagkatapos.
Nang matapos sa pagligo ay dumiretso na siya sa kusina. Dahan-dahan lang ang lakad niya, takot na mabulsot na naman ang paa katulad nang nangyari nung isang araw.
Niluto na niya ang sardinas na may itlog, ang natitirang stock nila na pagkain, nang tumunog ang cellphone niyang na konting pitik na lang, condolence na. Agad niyang itong kinuha sa ibabaw ng lamesa
"Ara..."
Kinabahan siya bigla sa boses ng kinakapatid. Parang may bumabagabag dito, sa boses pa lang kase puno ng takot at pag-aalala.
"J-Joyce! N-napatawag ka?"
Una niyang natanong imbes na kamustahin ang kinakapatid. Kumabog ng mabilis ang puso niya, napapangunahan ng takot. Kinuha na niya ang lutong ulam sa kawali at niligay sa mangkok bago pinatay ang stove.
"Galing sila dito." Halos bulong lang ang pagsasalita ng kinakapitd na nasa linya.
Naibaba niya bigla sa lamesa ang mangkok na hawak. Namawis bigla ang kamay at nanginginig. Kahit habang buhay siyang magtago, gagawin niya. Mailayo lang ang mga taong mahal niya sa buhay mula sa lalaking iyon.
"Binabantaan ba nila kayo?" Hinila niya ang upuan na nasa ilalim ng lamesa at umupo.
Pinatong niya ang isang paa sa upuan, nilalaro-laro ang koko ng hinlalaki habang nakaapak naman ang isa paa sa sahig. Ginagawa niya ang ganitong pustora kapag kinakabahan siya at kapag malalim ang iniisip. Ewan pero hindi niya namamalayan na ginagawa na pala niya ang posisyong ito. Naging habit na niya simula pa nung bata siya.
"Walang pa namang pagbabanta pero wala araw na hindi sila bumibisita dito may dala-dalang pera. Natatakot na kami para sa'yo. Kapag nagpatuloy pa 'to baka hindi na muna ako tatawag sa'yo at baka malaman pa nila kung nasaan ka." Naririnig na niya ang mahinang paghagulhol ng kinakapatid.
"Nandito na po kami!" Boses ng kasama niya sa bahay ang nagpaputol sa pag-uusap nila ni Joyce.
Agad siyang nagpaalam sa kausap nang pumasok sa kusina si Rissey. Na dumating galing sa eskwela.
"Mama, si kuya Caigel po, nakatulog na naman sa school." Sumbong nito, niyayakap ang binti niya.
Nakanguso ito nang tingnan niya.
Nag squat siya para maglibel ang mukha nila. Hinalikan niya ito sa pisngi at hindi niya maiwasang paliguan ng halik sa pisngi.
Kagigil na bata!
"Pabayaan mo na si kuya, beh. Napagod siguro 'yun." Kinarga niya si Rissey pagkatayo niya.
"Pero gusto ko pong makipaglaro sa kanya." Simangot nito. Nilalaro ang punong tenga niya.
"Si kuya Rad mo na lang." Tukoy niya sa isa pa nitong kapatid.
Umiling-iling si Rissey nang pinaupo niya sa paanan ng kuya Caigel nito na mahimbing na natutulog sa kawayang sofa, pagkarating nila sa salas.
Akala ko ba natulog ang batang 'to sa school? Bakit kakarating lang dito sa bahay, tulog na naman?
"Ayaw ko po nun! Parang may dalaw palagi." Malditang humalukipkip ito.
Sinenyasan ko siya itong wag maingay. "Shhhh..." Tinuro niya ang kuya nitong natutulog. Sumenyas ito sa kanya pabalik nang pag zip ng labi.
Isa-isa niyang tinanggal ang sapatos ni Caigel ng dahan-dahan. Iba pa naman ang bata kung magising, ang likot-likot at ang kulit. At hindi ito titigil hanggang hindi napapagod o inaantok.
"Nasaan ang kuya Rad mo?" Nakataas ang dalawang kilay na tanong ko.
Tinuro ni Rissey ang nag iisang kwarto. "Dumiretso po siya run. May gagawin daw. E alam ko namang wala. Iniiwasan niya lang ako." Nakasimangot ito.
"Sabihan mong kakain na tayo." Nginitian niya ang bata bago ihatid sa tapat ng pinto. Dumiretso naman siya ng kusina para ihanda ng pagkain.
Iniiwasan na naman si Rissey ng supladong niyang kuya. May ginawa na naman siguro 'to kaya ayaw munang makipag usap ng huli.
"Di ba sabi ko huwag mo akong kakausapin?" Narinig niya ang boses ng anak na si Rad. Naiirita ang boses at tila ba punong-puno dahil bahagyang lumakas ang boses.
Dali-dali niyang pinuntahan ang dalawa sa kwarto. Nadatnan niyang nakapamewang na nakatayo si Rissey habang ang kuya naman nito ay nakabusangot ang mukhang nakatingin na sa kapatid na babae habang may hawak na libro.
"Bakit galit ka? E tinatawag ka lang para kumain e." Imbes na matakot sa kuya may ganang pa itong paikotan ng mata ang kapatid.
"Rad, your voice please. Lower it down, that's not how you to talk to a girl," nilingon niya ang anak na si Rad."Ikaw naman Rissey," sa anak naman na babae siya tumingin, "anong sabi ko? Respeto sa kuya kasi mas matanda siya sa'yo at alam mo ng naaasar, inaasar mo pa lalo." Mahinahong pagkakasabi ni Ara.
Narinig niyang mahinang humigikhik ang anak na babae na kinabusangot naman lalo ng mukha ng kuya nito.