Kabanata Una

1381 Words
"BILISAN mo na, Yunik! Bagal naman! Pagong ka ba?" utos ni Kali sa kaibigan. "Saglit, puwede? 'Wag kang mag-apura at baka may makakita pa sa atin, edi suspendido uli tayo? Ibenta kita, eh," Napamuang siya. "W-what? What did you just--narinig mo 'yon, Kudo? He just said that he wil--" "Oo, malinaw sa pandinig ko. So, keep silent, brat, kung ayaw mong ibenta ka talaga namin." She frowned when she heard them laughing. As if matatakot siya. Spoiled kaya siya ng mga ito. Napairap siya at inip na pinanood na lamang ang ginagawang p*******i ng mga ito ng tansi sa gate. "Natakot ka ba, brat?" si Yunik, siniko nito si Kudo at lihim na napatawa. "Natahimik ka yata," "Nakakainip kaya," aniya. "Okay na, Ponce," ani Kudo at nagpagpag ng kamay. Nang tingnan niya ang tansi na itinali nila sa gate ay napangiti siya nang malaki. Ang #GantiNgApi101 done! Lumakad siya bahagya palayo para maiging makita ang tali ngunit hindi ito maaninag sapagkat para lamang walang nakatali roon. Malamang walang makapapansin na may tansi at nasisiguro ng matalinong utak niya na maganda ang kalalabasan ng plano nila. Pumameywang siya at tumawa na ala-witch. "I'm so excited, loons!" Lumapit sa kanya ang dalawang kaibigan at ipinatong ang braso sa balikat niya. "Siguradong oras na magtakbuhan ang mga hampas-lupang estudyante ni Ma'am Desigorado ay magsasama-sama ang kanilang mga buto, kalamnan at kaluluwa sa sementong kinatitirikan ng katapusan nila!" "Kinatitirikan ng gate na 'yan. Lalim naman ng naisip mo," tinawanan siya ni Kudo na sinabayan ni Yunik. "I'm not asking for your opinion, Kudo Aralem! Alisin n'yo nga 'yang mga braso ninyo! Patungan ba ako, ha? Patungan?" "Yuck! Ew!" diring-diring sabi ni Kudo. "Saan mo natututunan 'yan, ha? Ikaw," pinitik ni Yunik ang noo niya, "isusumbong kita sa Kuya mo!" "Huh? Pinagsasabi ninyo?" "Sabi mo patungan!" singhal ni Yunik. "Oh? And so?" "Anong and so? Palibhasa hindi mo alam 'yong feeling na parang na-harass ka," Sa inis niya ay piningot niya si Kudo. "Anong harass? Bakit nakarating naman 'yong usapan doon? Nauna ba utak ninyong iniluwal kaya hindi n'yo na nahabol paglabas? Sinabi ko lang naman na kung patungan ba ako! Ano ba ang masama sa patungan--" then the realization hit her. Napanganga siya. Ilang segundo ang pagkatulala niya hanggang sa marinig na lamang niya ang malakas na tawanan ng dalawang apprentice niya. Sa inis ay nakatikim ng hampas ang dalawa. Mga dugyot! She raised her middle finger and pointed it to these loons. Hinawi niya ang mahabang buhok niyang hindi nasusuklay. Blonde iyon na may highlights na red sa magkabilang gilid. She looks like Avril Lavigne at talaga namang iniidolo niya iyon. Ang totoo niyan, they're planning something silly. Ang bad news, masamang ritwal iyon, at ang good news, very satisfying naman iyon para sa kanilang mga alagad ni Lucifer. Pumapalakpak na talaga ang kaluluwa't mga buto niya. Gaganti sila sa buong section ng nakaaway nila noong nakaraang linggo, sapagkat isang linggo rin silang nasuspende nang dahil sa mga ito. Isinuplong sila ng section ni Ma'am Desigorado na di-umano'y nakakita sa kanilang tatlo na nag-babandalismo ng bagong kapipinturang pader ng eskuwelahan. Totoo naman iyon, ang ikinaiinis lang nila ay kung bakit kailan pa ng mga itong magsumbong. Palibhasa'y mga pabibo ang mga kuwadradong balakubak na mga iyon! Hindi ba ng mga ito alam na labis ang natamo nilang pagalit mula sa mga magulang nila nang dahil doon. Si Yunik, nabawasan ang allowance, si Kudo naman ay nagpanggap na may sakit sa loob ng limang araw. Mabuti nga at hindi siya nabawasan ng allowance sapagkat hindi naman sila talaga mayaman para magbawas pa, sakto lang, kawawa naman siya kung magkataon. Tamang grounded lang. Kaya hindi sila papayag na basta na lamang ganoon ang mangyayari sa kanila. Isang linggong natahimik ang eskuwelahan nila, puwes gugulantangin muli nila ito. Rawr! As in R-A-W-R! Rawr! Pero para maisagawa ang once in a lifetime na plano ay may kailangan pa silang gawin. Pumunta na kaagad si Yunik sa room ng mga journalists, walang tao roon dahil kasalukuyang breaktime. Pumwesto kaagad ito sa upuan ng broadcaster ng eskuwelahan. Maganda ang boses nito kaya magmumukhang broadcaster. Samantala, siya at si Kudo ay isini-set ang bomba sa bukid kung saan madalas pagdaungan ng away mula sa iba't ibang eskuwelahan. Malawak ang bukid at wala namang nakapalibot na mga puno roon. Katapat lang nito ang gate ng school. Kung magpupunta roon ang mga estudyante ni Ma'am Desigorado ay malamang muling magbabalikan ang mga ito pabalik kapag sumabog na ang bomba. Yes, a bomb! Magtatanim sila ng bomba roon. Ganyan katalino ang brain cells nilang tatlo. "Kudo Aralem, okay na 'to dito, 'no?" tanong niya at napakamot pa sa binting nangangati. Tumango naman ito at ngumiti. "Tara na. Baka mahuli tayo." Hinila na siya nito na halos kaladkarin na siya. "Aray ko naman, Aralem!" Maingat na nakabalik sila sa loob ng school at sinadya nilang ibukas ang maliit na pinto ng malaking gate para doon lalabas ang mga estudyante kapag nag-anunsyo na si Yunik. Pumwesto sila ni Kudo sa isang bench sakto lang para matanaw ang gate. Hihintayin na lang nila ang paglabas ng mga estudyante na mangyayari pagkatapos ng task ni Yunik. Mayamaya ay naganap na ang hinihintay nila, napahinto ang mga estudyanteng naglalakad nang marinig ang boses na umalingaw-ngaw sa buong eskuwelahan. "To all 4th year students of section 3, mamulot ng kalat sa labas ng gate. To all 4th year students of section 3, mamulot ng kalat sa labas ng gate," Napahagikgik sila ni Kudo. Nagdidiwang ang utak at ang mga puno sa paligid nila. Yes! Heto na! Para sa ikaluluwalhati ng mundo! Ang katarungang inaasam ni Kali Ponce at ng dalawang apprentice! Pinanood nila ang pagmamartsa ng section 3 hanggang sa paglabas ng mga ito sa gate. Tama nga ang hinala nila, lalabas ang mga ito sa maliit na pinto ng gate. They're really a genius and an extraordinary creature upon this cursed land! "He's coming," sabik na bulong niya kay Kudo nang matanawan si Yunik. Nakasukbit sa balikat nito ang case ng gitara na kahit saan ito magpunta ay dala-dala. "Kung makalakad parang inosenteng nilalang lang," tugon ni Kudo at naghikab. "Immune na si Ibarra, parang ikaw lang 'yan, Kudo." "Ooh! Coming from the little brat na siyang mastermind namin?" "I'm kind. Period." She smiled like a brat at tumayo na nang makarating si Yunik sa puwesto nila. "Mukha bang totoo?" nakatawang tanong kaagad ni Yunik. "Oo, ayos. Unlocked na 'yong isa mong skill," ani Kudo. "Gago!" Tumawa ito. "Kayo rin, puwede na kayo sumali sa budol-budol gang. Teka, wala bang nakakita sa inyo?" "Wala. Clear," si Kudo. "Ayos! Sa akin kasi meron," "Ano!?" sabay pa sila ni Kudo. "Joke!" Humalakhak ito. Nakahinga naman sila nang maluwag. Lumapit sila ng bahagya sa gate para matanaw ang section 3 na mamaya ay baka ma-litson na rin. "Enjoy mga hampas-lupa!" aniya. "Mga sumbungerang bulbol!" si Yunik na balahura. "Serves you right, doltish!" Sabay silang napatingin ni Yunik kay Kudo. Nangunot ang noo ni Kudo. "What?" "Bakit english?" aniya. Nagkibit-balikat lamang ito. "Isama rin kaya natin 'tong conyo na 'to sa mga lilitsunin?" tanong ni Yunik na ikinatawa niya. "Ngayon na, Kudo," utos niya. Inayos ni Kudo ang suot na eyeglasses bago sumulyap sa kanila ni Yunik. May kinuha ito sa bulsa ng slacks na suot nito na kaagad ding pinindot kasabay ng pagsabog ng bomba ng tagumpay! Tilian ang pumuno sa paligid. Nabahala ang lahat. Kumaripas ng takbo ang mga nasa labas na estudyante at dali-daling binuksan ang malaking gate na sa pagbukas at pagpasok ay napatid at nagsubsuban dahil sa tansing ikinabit nila. Napa-wow siya sa nakita. The view was really awesome for them. Really interesting and very satisfying! Kita nila ang mataas na apoy na nagmumula sa bukid at nagdidiwang ang loob nila sa nakikitang hitsura ng mga kawawang nilalang ng section 3. That's it! Mission accomplished! It's time to leave and have a celebration. "Let's go, loons," aniya at tumawa. "Rock on!" nakalolokong saad ni Yunik. "Yeah, rock on!" ulit nila ni Kudo at nag-rock fist. Malawak ang mga ngiti nila at taas-noong naglalakad hanggang sa marinig na lamang nila na tinatawag ang pangalan nilang tatlo. Teka. Ang bilis yata? Well, they didn't care. Lalasapin muna nila ang pagkapanalo bago maihain sa apoy na naghihintay sa kanila. Oh boy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD