Kinagabihan kinatok na siya ng kasambahay para sabihing maghanda na siya at aalis na sila ni Mark para sa dinner nila sa bahay ng parents nito. Nag shower na muna siya at nag ayos ng kanyang buhok bago siya nagbihis. Nais niyang maging maganda kahit ngayong gabi lang para naman walang maipintas sa kanya ang mga magulang ni Mark. Nabanggit ng lolo niya na may dalawang kapatid na babae si Mark na hindi nalalayo sa edad. Hindi niya nais na mapagtawanan siya ng mga kapatid nitong babae. Nilagyan niya ng kulot sa dulo ang kanyang mahabang buhok saka siya nagbihis naman bago nag make up. Marunong naman siyang mag make up kahit papano, itung simple nga lang at hindi bongga tulad ng iba. Mas gusto naman kasi niya ang light make up lang lalo na't haharap siya sa pamilya ng kanyang mapapangasawa.

