Kunot ang noo nitong tiningnan ako, marahil ay nahalata nya ang pamumula at pamamaga ng mga mata ko, I didn't looked at him. Hindi ko kaya, baka bigla nalang akong sumabog. "What's this babe?" Tanong nito, bago kinuha ang inaabot ko. Hindi ko parin ito sinasagot at blangkong emosyon parin ang nakita nito sa mukha ko.
Bahagyang napaawang pa ang labi nito nang makita ang laman ng envelop saka ako binalingan ng tingin, umangat ang tingin ko rito at nakita ang takot at pangambang rumehistro sa gwapo nyang mukha. Muli kong naramdaman ang paginit ng mga mata ko, at ang dibdib ko'y muling kumirot.
"Babe, w-where did you get this? Sinong nagbigay sayo nito?" Halos magaralgal nitong sambit, napaawang ang labi ko at napataas ang kilay.
He knew it, all this time alam nya ang koneksyon ko sa babaeng nagpakamatay nang dahil sa kanya. He even saw the pictures of my Ate Vanessa sa bahay ni mama, that's why he's acting strange lately?
"So you already knew? And didn't bother to tell me?" Halos namamaos ko nang sambit dito, nanunuyo narin ang lalamunan ko dahil sa kakaiyak. "Ikaw ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang Ate Vanessa ko, dahil sayo kaya nawalan ako ng kapatid!" Singhal ko rito, ramdam ko ang galit na matagal ko nang kinikimkim sa puso ko na sa sobrang tagal ay akala ko nakalimutan ko na, akala ko nawala na. Pero mas masakit palang malaman na iisang lalaki lang ang minahal naming dalawa ng ate ko na syang dahilan ng pagkawala nito.
"Babe please, let me explain." Aniya saka sya lumapit sa akin at pilit akong niyayakap pero itinulak ko ito ng buong lakas dahilan para mapaatras ito.
"I can't be with you anymore Troy, hindi ko kayang makasama ang taong naging dahilan ng pagkamatay ng kapatid ko." I angrily said, I shooked my head out of disbelief, I still can't believe that this is happening to me. Sa dinami dami ng lalaking mamahalin ni Ate Vanessa bakit si Troy pa?
"No, Babe, please. Hindi ko ginusto ang nangyari kay Vanessa, nasaktan din ako nang malaman kong nagpakamatay sya matapos kong pumunta sa London dahil may sakit ang daddy ko. Believe me, hindi ko ginusto ang nangyari." Aniya, I saw the pain in his deep brown eyes, I saw sadness and fear, katulad ko ay nasasaktan din sya sa nangyayari. Palagi lang kaming magkakasakitan kapag hindi ko pa tinapos ang lahat ng ito. Lumapit ako sa lamesita at kinuha ang isang papel na may pirma ko na.
"Sign this paper and let's end it here." Mariin kong sambit dito, tiningnan nya sandali ang papel at saka umiling, nakita ko ang pagalon ng lalamunan nito at takot sa mukha kasabay nang pamumula ng mga mata nito na nagbabadya ng pagiyak. "No, ayoko Ayah. Hindi ko pipirmahan yan, hindi tayo maghihiwalay. Please ayusin natin to, mahal na mahal kita, I'm begging you please." Halos garalgal nang boses nito, pilit rin ako nitong hinahawakan sa kamay at halos lumuhod na sa harapan ko, isang eksenang hindi ko akalaing mangyayari sa amin ni Troy, sinong magaakala na ang isang dominente at respetadong tao kagaya ni Troy ay halos lumuhod na sa pagsusumamo sa aking huwag makipaghiwalay?
Masakit rin sa akin ang makita syang nahihirapan ang nasasaktan but what should I do? This is the right thing for us. I can't be with him anymore.
"Lumayo ka sa akin! Ni hindi ko maatim na tingnan ka, kaya paano mo aayusin ang lahat ng ito Troy? Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan namin ni mama simula nang mawala si Ate Vanessa." Hindi ko narin napigilan pa ang luhang dumaloy sa pisngi ko, sobrang sakit ng puso ko, akma akong lalakad palabas ng penthouse dahil hindi ko na makayanan pa ang sakit at sikip ng dibdib ko pero natigilan ako nang yakapin ako ni Troy sa baywang habang nakaluhod ito sa harap ko.
"Please Ayah, huwag mo akong iwan, hindi ko kaya. I'm begging you, please." Pagmamakaawa nito habang nakasubsob ang mukha sa tyan ko, tumingala ako at tinakpan ang bibig gamit ang likod ng palad para pigilan ang paghikbi pero hindi ko narin nagawa. "Tumayo ka dyan Troy, don't do this." I said between my sobs.
"Please, mahal na mahal kita Ayah. Huwag mo akong iwan parang awa mo na." Sambit nito habang nakatingala sa akin habang umiiyak, namumula ang buong mukha nito. Nanlalambot ako habang tinitingnan ang itsura nito, hindi ito ang Troy na nakilala ko. Malungkot ang mga mata at
basang basa ng mga luha ang mukha. Hindi ko akalain na makakaya nyang lumuhod sa harapan ko huwag ko lang syang iwan, he don't deserve this.
Hinaplos ko ang mukha nito saka inalalayang tumayo at niyakap, ramdam ko ang pagsubsob ng mukha nito sa balikat ko. "Don't leave.. please.." He said between his sobs. Mariin akong napapikit, nasaktan ko ang taong mahal ko. Pero mas lalo lang syang masasaktan kung ipagpapatuloy pa namin ito, hanggang saan ang pagmamahal namin sa isa’t isa? palagi nya lang makikita sa akin ang namatay kong kapatid at ayokong dumating ang araw na hindi na pagmamahal ang nararamdaman nya para sa akin, kundi awa para sa kapatid ko.
"Please let me go, you know how much I love you, but I don't want to ruin that love because of anger. Please Troy, kailangan ko ng oras para sa sarili ko." Sambit ko rito, umiling ito at patuloy ang pagagos ng luha sa mga mata.
"Please." Dugtong ko, ilang sandali pa ay lumuwag ang pagkakahawak nito sa akin at sabay na binagsak ang mga kamay saka ako nito tinalikuran, kita ko ang pagyugyog ng balikat nito senyales ng pagiyak, marahan akong pumihit at naglakad na palabas ng pinto.
Gustuhin ko man pero hindi ko magwang lingunin pa ito, napahawak ako sa dibdib habang papalabas ng pinto dahil sa sobrang sakit nito, halos nanginginig pa ang kamay ko nang pindutin ang lift, pumara ako ng taxi nang makalabas ako sa hotel at muling humagulgol sa loob ng sasakyan.
"Ayah, stop crying. Kanina ka pa umiiyak baka kung ano nang mangyari sayo nyan." Sambit ni mama habang nakaupo ito sa tabi ko at hinahaplos ang likuran ko, wala akong ibang pwedeng puntahan dito sa Seattle bukod sa bahay nya kaya dito na ako nagtungo. Hindi ko na alam kung paano ko pa matatakasan ang sakit na nararamdaman ko kaya sa pagiyak ko nalang idinaan ang lahat baka sakaling mabawasan kahit papaano.
Paano mo masusukat ang pagmamahal mo sa isang tao? Nasusukat nga ba ang pagmamahal? One day you'll be surprise on things that you didn’t know your capable of when it comes to love.
Kaya nga kayang mapaghilom ng pagmamahal ang sakit at lungkot? Kaya nga kaya nitong pahupain ang galit? Hindi ko alam, pero sinusubukan kong alamin.
Hindi kami magiging masaya, masisira ko lang ang buhay nya. Araw-araw nya lang maaalala si Ate Vanessa sa tuwing makikita nya ako, mahihirapan lang sya at habang buhay na dadalhin ang guilt sa puso nya. Iyan ang araw-araw na nakatatak sa isip ko, ilang araw na simula nang umalis ako sa penthouse ni Troy, hindi narin naman ako nito pinuntahan pero nagpadala ito ng tao para ibigay ang mga importante kong gamit gaya ng passport at visa, ibinalik nya rin ang annulment paper na may pirma ko, hindi nya iyon pinirmahan he just let me know that he's waiting no matter how long it takes to heal me.
Pero napapaisip lang ako, hanggang kailan kaya ako ganito? Paano kung hindi na maghilom ang sugat na nasa puso ko? Mahihintay nya parin kaya ako? Kapag dumating yung araw na okay na ako, na handa ko na syang muling mahalin, tanggap at mahal nya parin kaya ako ng mga oras na iyon? Hindi ko alam, nakakatakot isiping kapag dumating ang araw na handa ko na syang mahalin muli ay sya naman ang mawala.