Chapter 2

1234 Words
Hindi na siya nagpadala ng sulat. It irritates me. Bakit pa ba ako magtataka? Hindi kami nasa sinaunang panahon para magpadala pa ng sulat sa isa't isa. And he's twenty two at namamahala ng kanilang kompanya. Sabi ni mommy meron rin sila ditong mga negosyo sa Pilipinas. I wonder what it is. Gusto ko man himasukan ang mga ganung' bagay pero wala pa akong alam sa mga ganong bagay. Ang nararapat ko lang na gawin ay ang mag aral ng mabuti. Gusto kong mamahala ng aming kompanya sa paglaki ko pero naiinsulto ako sa tuwing pinapasampal ni daddy sa akin na hindi ko iyon kaya. Hindi ko tuloy alam kung mabuti  ba sakin ang pagkakanulo nila sakin kay William para lang sa kompanya. Gusto ko ikasal ako sa lalaking mahal ako kahit hindi ko siya mahal basta mahal niya lang ako. Pero sa aming dalawa ni William..I think I like him more. Nasa eskwelahan na ako. Ganon parin, no one  likes me O' baka ako lang itong masyadong distance sa kanila. Masyado silang maingay at happy go lucky which I do not like. Nagpapasa na nang aming test paper at busy sa kakatingin ang aming teacher sa aming mga papel sa harapan ng may tumawag sa akin sa aking likuran. "Psst!" nilingon ko ang lalaki kong classmate. He's like a badboy wannbe. Hindi bagay sa kanya yung ahit sa kilay niya at ang piercing sa labi. Ang trying hard tingnan. "What?" Napalunok siya. Wala naman akong ginagawa para matakot ang mga ito sa akin. "P-Papasa naman kay Annabelle itong s-sulat." may inabot siya sa aking sulat. Torpe. So nasa harapan ko itong si Annabelle kaya basta basta ko nalang nilagay sa balikat niya iyong sulat. Medyo nairita siya nang nilingon ako pero mukhang sumenyas itong nasa likuran ko kaya namula ang mukha. Gosh,seriously? Ang cheap. "P-Pakibigay please..." aniya sakin ni Annabelle sabay abot ng kakarampot na sulat. What the heck. Mukha ba akong messenger? Umirap ako at kinuha iyon bago pabalang na binigay sa aking likod. Mukhang kilig na kilig itong nasa likod ko. Nairita ako sa kakapadyak ng paa niya sa ilalim ng silya ko. Ang cheap talaga. "L-Last na to Darla-" "Alright!" I gasped. Kinuha ko na naman iyong sulat at tumaas ang kilay ko nang may mabasa ako doon. Oh my god? Really? Teenager now adays! "Ano iyan miss Lopez?" Nakita kong natuod itong si Annbelle. Pero yung sulat ay nasa kamay ko pa! Bigla iyong kinuha ng aming teacher sa aking kamay at binasa. Nanlaki ang mga mata nito. "Darla Lopez! In principals office now!" Ngumiwi ako. Inayos ko ang aking buhok at ngumiti. "Miss Guarin , it's not mine. Actually kay Annebelle ito at sa lalaking nasa likod ko. Wala lang po akong choice kahit hindi ko gusto." Narinig ko ang pagmura ng lalaki sa likod ko. "Rolly and Annabelle in my office!" Halos mangiyak ngiyak si Annabelle na tumayo at inirapan ako. "Humanda ka sakin mamaya!" Umirap ako. The hell. Anong gusto nila? Akuin ko iyon na hindi naman akin? Ang galing naman. Close ba kami? Natapos ang aming ibang subjects na hindi na nakabalik ang dalawa. Lunch time nang mag bell na. Sinikop ko ang aking mga gamit para makapag lunch na sa restaurant na gusto ko. Ang school na ito ay may sariling lockers ang bawat years. Magkaiba ang sa girls and boys.May taga linis ang bawat buildings at may aircon ang bawat rooms. Ang aking dalawang libro ay aking ilalagay muna sa locker bago ako kakain. Nasa tamang locker na ako ng biglang may humablot ng aking braso. Tumaas ang kilay ko nang makitang si Annabelle iyon. Winaksi ko ang aking braso. Ayokong hinahawakan ako lalo na't alam ko ang pinanggagawa nila. "W-What-" the hell! Sinampal niya ako?! Hindi ako makapaniwala! "Dahil sayo suspended  kami ni Rolly! Sana deniny-" Of course, I slap her too! "How dare you slap me b***h!" hinampas ko pa siya ng aking libro. I can pay for my books! Importante masampal ko siya! Napaatras siya,tila takot sa akin. "Ang lakas nang loob mong sampalin ako ng marumi mong kamay!" halos maiyak ako sa inis. "Aba-" Sinampal ko ulit siya. "You have no right to slap me! Get that? Huh?" halos ipaintindi ko iyon sa kanya. Umiyak siya sa harapan ko. "Gaga ka pala e! Kung hindi mo sana sinabi-" "Why do I have to lie for you? Stupid! Hindi ko kasalanan na ang nakasulat doon ay kukuha kayo ng isang round sa abandoned building? Disgusting!" Nang mga oras na iyon ay mas dumami ang nainis sa akin. Hindi ko alam kung ano ang kanilang rason para mainis sakin e' ako nga itong biktima. Kumain ako mag isa sa restaurant na gusto ko. Nasa labas ang inatasang driver ko at ang aming sasakyan. Ganito ka boring ang buhay ko. Nothing's special kaya ako nahulog sa simpleng sulat lang ni William na ang pasimuno ay ang aking mommy. Dahil hindi tumatawag si William sakin mas nainis ako lalo. Dagdagan pa na hindi ako makamove on sa pagsampal sa akin ng babaeng iyon. Ang mahal ng creame ko for f***s sake! Pwede na iyong pang massage sa  matigas niyang kamay! That day went smooth. Umuwi ako sa bahay at sumalubong sa akin ang pagsampal ni daddy kay mommy. Halos matuod ako sa aking nasaksihan. It's not new for me. Pero kahit hindi na bago iyon sa akin ay masakit parin iyon sa akin bilang anak nila. "L-Lucas-" daddy pushed mommy. Hindi ako makaalis sa aking kinatatayuan. Kaya ayokong maging marupok. Ayokong padadaig sa sinuman. Nakikita ko palang sa magulang ang ganitong eksena naisip ko na ayokong maging mahina. Hindi ako kailanman nagsabi sa kanila ng mga problema ko. I solve it myself. Kahit noong ninakaw ang cellphone ko at muntikan na akong masaksak...hindi ko iyon sinabi. "Hanggang kailan mo paba ako susumbatan ha Martina?! Matagal na iyon!" sigaw ni daddy. "Dad!" nanginginig ako nang mukhang sasampalin na naman ni daddy si mommy. "Try to hurt her again dad. You will see..." I warned. Sometimes dad was okay for me. Pero may mga oras na ganito siya lalo na kapag lasing. Natigil sila ni mommy at daddy dahil sa aking presensiya. Mommy wiped her tears at umakyat. Alam kong nahihiya na naman siya sa mga nakita ko. Si daddy nasa harapan ko parin. Masama ang tingin sa akin. "Bata ka pa para hindi ako respetuhin Darla.." "Daddy kita pero kung sinasaktan mo si mommy..then you're not respectful enough." Iniwan ko doon si daddy na mangiyak ngiyak. Hindi ko inistorbo si mommy sa kanilang kwarto. Nanahimik ako pero alam kong may anak si daddy sa ibang babae. Hindi ko iyon matanggap syempre. Lingid rin iyon sa kaalaman ng iba lalo na ang mga katrabaho niya. Pinagmumukha nilang tanga si mommy. Hinang hina ako na naupo sa aking kama. Inayos ko ang aking buhok at niligpit ang aking bag. Nilagay ko rin sa lalagyanan ng sapatos ang aking sapatos bago bumalik sa kama at humiga. "Gusto kong umalis dito." kausap ko ang aking sarili.  Bigla namang umingay ang aking cellphone at nakita si William iyon. Hindi na siya sumusulat pero tumatawag na siya. Ayoko nun. Gusto kong makita ang mukha niya. "H-Hi." dahil sa pagod ay tinig pagod rin ang aking boses. "How are you?" he asked. Mapait ang ngumiti. "Not good. Mas lalo lang hindi bubuti kapag pinagpatuloy pa natin ito. You're still a stranger for me William. Kung ayaw mo pang magpakita then the f**k I care. Let's break up. Bye."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD