Chapter 24: Obsession

3968 Words

Agad na kaming tumulak patungong palengke pagkatapos nilang kumaing tatlo. Hindi na ako nagtangka pang magsalita, magkakasabay kaming naglalakad sa medyo may kadilimang mga pasilyo. Walang umiimik sa aming tatlo. “First time mo lang makakapunta ng market Ysadora ngayon, hindi ba?” si Nyca na bahagyang sumulyap pa sa akin. “Oo, pero nadaanan na namin ito noong pumunta kami ng hospital ni Carley.” “Ah, ganun ba?” anitong ikinatango ko lang, “Hindi iyon counted, ito pa rin ang first time.” Nagkibit-balikat ako sa huling sinabi niya. “Parang ganon nga siguro,” tugon kong saglit sinulyapan ang tahimik na si Carley, “May problema ka ba Carley?" baling ko na dito. “Wala,” mabilis na iling nito, “May naiisip lang.” “Ang tahimik mo, iniisip ko tuloy na labis kang nag-aalala doon sa tatlo.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD