Chapter 7: Hearing gift

3376 Words
Ilang minuto ng aming katahimikan ay pumasok na sa pintuan ang nakangiting si Mister Aristotle. Umaalingasaw ang bango nito kaya naman hindi mapakali ang aking mga katabi. Para silang bulate na galaw nang galaw. Bagong ligo rin siya na makikita sa namamasa niya pang mga hibla ng buhok na kumikinang. “Good evening po Mister Aristotle!” bati naming lahat na nag-abala pang tumayo. “Good evening class, sit down everyone,” anitong matamis na ngumiti sa amin, ang maputi nitong ngipin na pantay-pantay ay kawangis ng mga ngipin ni Miss Diyamante. “Kumusta ang naging unang klase niyo kay Miss Diyamante? Nakaka-enjoy ba ha?” “Opo Mister Aristotle, kaso po bitin.” “Nakakatawa rin po siya, pero totoo.” “Interesting po, can't wait po ng bukas.” “Ang misteryoso rin po Mister Aristotle, para pong bibigyan pa kami ng maraming puzzle.” “Tungkol po sa blood types namin Mister Aristotle,” si Carley na hindi nagpapahuli, “Nakaka excite po na may ganun kaming ability po at characteristics. Interesting po talaga.” Nagpatuloy pa ang kanilang naging sagot. Hindi ko na inabala pa ang aking sarili na makisali sa diskusyon nila. Tinatamad ako. “Mabuti naman class at mukhang na-enjoy niyo talaga ang klase ni Miss Diyamante.” patuloy nitong naupo na sa kanyang upuan, bahagyang hinaplos ang basang buhok ng isang palad. Dahilan upang magpapadyak sa sahig ang aking dalawang katabi, kinikilig. “Ang unang pag-aaralan naman natin ngayon sa aking klase ay kung paano niyo kontrolin ang mga nakatagong ability o kakayahan niyo.” saglit siyang may binuklat na libro at nag-angat ng kanyang tingin, “Kung paano ito alagaan upang hindi mawala nang tuluyan sa inyong katawan, ready na ba kayo sa lecture natin?” “Ready na po kami ngayon Mister Aristotle!” Hindi nakatakas sa aking matalim na tingin ang pamumula ng mga babae sa aking tabi. Napapakagat-labi pa ang dalawa sa kanya. “Ang lahi natin ay nabibilang sa common na may taglay na iba't-ibang kakayahan. At ang bawat kakayahang iyon ay may nakatakdang edad at oras na lalabas, minsan napakabilis nito lalo na ng mga common sovereignty.” panimula niya na una palang ay hindi ko na maintindihan, “Kung minsan naman ay nagiging makupad at mabagal ang paglabas nito, ang dapat lang nating gawin ay hintayin at kapag nakuha na natin ang mga ito ay dapat natin itong magamit sa maayos na paraan." Lalong kumunot ang aking noo, hindi alam kung ano ang dapat na sunod na aking isipin. “Sino ang edad ay seventeen dito?” tanong niya na bahagyang nagpalinga-linga sa amin. Mabilis na itinaas ko ang aking isang kamay. “Oh, ayon seventeen ka pa lang?” tayo niya na bahagyang lumapit sa banda namin, halos mapa-ismid ako sa kawalan ng magpaluan ng braso nila si Carley at Nyca. “Sa ngayon ay wala kang maiintindihan sa lecture pero kapag dumating na ang iyong takdang araw, ang lahat ay magiging malinaw at mauunawaan mo na.” Wala sa sarili akong tumango, hindi ko matagalan ang kumikislap niyang ngiti. “Opo Mister Aristotle.” napipilitan kong ngiti. “Okay class, sino na ang nakatanggap sa inyo ng hearing gift?” tanong nito na bumalik sa unahan, “Of course kayong lahat ay nakatanggap na dahil eighteen na, hindi ba?” tanong nito na ikinatas ng lahat ng kanilang kamay maliban sa akin. “Gusto kong lahat kayo ay tumayo, maliban kay Miss Ydades.” Umayos ako nang magtayuan silang lahat. “And now class, ipikit niyo ang inyong mga mata at pakiramdaman ang buo nating paligid.” muwestra nito ng kanyang kamay, “Mayroon ba kayong mga naririnig na hindi namin naririnig?” Agad akong nakaramdam ng panghihina. Hindi ko alam pero natatakot na ako sa mga ganap. Nasa normal pa naman akong mundo, bakit ganito ang mga itonituro nila sa school na ito? Una ay tungkol sa blood types, tapos ngayon ay tungkol naman sa kakayahan nila. Ano ang next? Huwag nilang sabihin na normal pa ito. “Ang lahat ay magbibigay ng examples at dapat ay walang magkakatulad. Alright?” patuloy ni Mister Aristotle na humahakbang na pabalik-balik na paikot sa kanilang lahat. “Ikaw ang mag start Oriel.” “Footsteps, marami pong footsteps.” “Next? Joyce.” “Voices, hindi po siya malinaw.” “Next, tapps sunod-sunod na okay?” anitong humakbang pabalik sa kanyang upuan. „Tunog ng pintuan, pabagsak.” “Pagaspas ng hangin sa mga dahon ng puno.” “Yabag na mabilis na tumatakbo.” “Sigh, buntong-hininga na nagmumula kay Miss Ydades.” Ano daw? Masama ko iyong tiningnan. “Tunog ng kutsara at tinidor.” “Awit ng ibon.” “Malakas na tawanan ng mga babae na nagmumula sa Age 22.” Wow! Ang layo na noon dito sa classroom ah? “Malakas na sigaw galing sa hospital.” “Tunog ng kaldero sa dining hall.” “Malakas na paglunok ng laway ni Ysadora.” Gusto kong matawa, pinagloloko niya ba ako? “Masayang halakhakan mula sa room ng Age 19, ng mga lalaking nagbibiruan.” “Sigawan mula sa blood type B ng Age 18.” “Malakas na patak ng paparating na ulan,” mahinang bulong ni Carley, tumingin ako sa labas ng bintana at wala naman doong ulan. “In two minutes ay malakas na ang ulan.” Ang lahat ay natigilan at napadilat sa sinabi ni Carley, what the heck? Anong sinasabi niyang malakas na patak ng ulan? Agad akong napatingin muli sa labas ng bintana at ang aking sunod na mga nakita ay hindi ko mapaniwalaan. Malalaki na ang patak ng ulan na walang sawang bumubuhos, sa gitna ng madilim ay malapit ng matulog na gabi. “What else?” tanong ni Mister Aristotle na hindi pinuna ang sinabi ni Carley kanina, “Miss Vadejos Ikaw nalang ang wala pang isinasagot sa akin.” sinulyapan ko si Nyca na nanatiling mariing nakapikit, nakakunot ang noo nito. “Ano ang sabi ng iyong hearing gift, ngayon?” “Ungol po ng malalaking hayop, Mister Aristotle na nagmumula sa kagubatan.” Agad nanlaki ang aking mga mata at nangilabot sa kanyang nakakatakot na tinuran. “Anong ibig mong sabihin Miss Vadejos?” “Mga lobo...po Mister Aristotle.” Mabilis akong tumayo kasabay ng pagdilat ng mga mata ng lahat. Agad nanuyo ang aking lalamunan. Marami akong gustong itanong. Subalit wala akong lakas ng loob na gawin. Nasaan ba ako? Bakit mayeoong usapang lobo? Kaunti nalang talaga at iisipin kong hindi na talaga normal ang lahat, nakakakilabot na. Nang sumulyap sa akin si Mister Aristotle ay agad akong naupo, nahihiya rin akong yumuko. “Miss Vadejos sinasabi mo bang--” agad siyang natigilan bago sumulyap sa aking banda, “Nevermind, ang lahat ay maupo na.” nagsimula siyang magpalakad-lakad muli na tila hindi siya mapakali sa unahan, pagkaraan ng ilang minuto ay kumalma na rin. “Ang hearing gift ay kadalasang natatanggap when you turned eighteen, may iba naman na kahit bata pa lang sila ay nakukuha na ang hearing gift. Ang hearing gift ay mahalaga, malaki ang ma-itutulong nito sa mga katulad nating malabo ang mga mata kapag may araw.” Sa gabi rin naman, malabo ang aking mata. “Ang hearing gift ay isa sa mga common ability natin, ang lahat ng uri natin ay makakatanggap nito agad o medyo matatagalan ng kaunti. Ngunit tingin ko ay nakatanggap na ang lahat maliban kay Miss Ydades. At para maalagaan niyo ang hearing gift ay gamitin niyo ito sa tama, huwag gumaya sa mga A na likas na pasaway, kapag ipinagpatuloy nila iyon ay hindi magtatagal at mawawala ang hearing gift nila.” tumango-tango ako, bahagyang naiintindihan. Saglit na nagbulungan ang aming buong klase. “Sinasabi sa libro natin na ang hearing gift ay may tatlong uri, ang una ay ang mga common na hearing gift na kayang marinig ang lahat ng nangyayari sa paligid, pero hanggang sa paligid lang iyon. Ang ibig sabihin ay iyong pinakamalapit lang sa kanila ng tatlong dipa.” “Whoa!” singhap at sigawan nila. Sinulyapan ko si Nyca na hindi na ma-ipinta ang itsura. Kanina pa siya hindi mapakali sa inuupuan habang si Carley naman ay masayang nakatitig na kay Mister Aristotle. “Nyca..” mahinang tawag ko sa kanya. “I can still hear them, Ysadora.” lingon niya sa akin gamit ang naluluhang mata, “Kanina ko pa sila malakas na naririnig, hindi sila tumitigil.” Pakiramdam ko ay tinakasan ako ng hininga. Sa paraan ng pagsasabi niya ay nakakakilabot. “Ang ikalawang uri ng hearing gift ay kayang makarinig ng dalawampung dipa mula sa kinaroroonan nila. Ang individual na may taglay nito ay kino-consider na lucky sila, dahil kapag mayroong kalaban ay alam na alam na nila kung nasaan ang mga ito. They can fight fairly or they can run away from them. Ang payo ko sa inyo ay lumaban kayo, huwag kayong maging duwag, class.” Malakas na nagtawanan ang lahat kaya nakitawa na rin ako sa kanila. “At ang unang uri ng hearing gift ay only few lamang ang nagtataglay, mabibilang sila na isa o dalawa sa bawat blood types. Mula sa 19 hanggang sa 23 ay ganyan ang bilang, isa o dalawa at sa AB ay dalawa lang ang meron tayo ngayon, hindi ko sure kung mada-dagdagan pa sila o hindi na.” nakangiting paliwanag ni Mister Aristotle, “Ang hearing gift nila ay malayo ang kayang abutin, kaya nilang umabot sa ghost forest at umabot o lumagpas pa sa unang gate ng academy. Maaaring kaya rin nilang abutin ng kanilang hearing gift ang magandang downtown ng ating Macara.” “OMG! Ang layo na noon!” “Ang astig naman!” “Gusto ko rin ng ganoong klase ng hearing gift.” anang isang babae, “Paano makakakuha?” “Ang galing naman.” “Sino kaya ang dalawang iyon?” “Kasali ka ba doon Jaime?” tanong babae na may pangalang Joyce, “E ikaw Oriel?” „Hindi ah, pangalawang uri lang ako.” tugon ng unang lalaki, “Si Oriel ang tanungin mo.” “Nasa pangalawa lang rin ako.” si Oriel, “E ikaw ba Joyce? Saan kang uri nababagay?” “Secret, hulaan niyo.” At ang ingay nila ay mas lumakas pa. Kung anu-ano na ang mga hinuha at maging ang pangalan ko at nadamay na naman. “Paniguradong hindi isa doon si Ysadora.” Whatever weird creature! “At ang dalawang iyon ay walang iba kung hindi si Miss Onsimus at Miss Vadejos.” Wala sa sarili akong napatayo mula sa aking upuan, parang tanga pa akong pumalakpak. “Roomate ko sila!” sambit ko sabay tawa. Naramdaman ko ang paghila ng dalawa sa aking suot na palda. Hindi ko iyong pinansin. Napahiya na ako ngayon, babawiin ko pa ba? “Dorm mate kami.” ulit ko sa kanila. Ang lahat ay napatingin at titig sa akin ng may pagtataka. Alam ko naman na kabaliwan ito. Hindi ko lang talaga mapigilan ang aking sarili. “Ang saya mo yata ngayon Miss Ydades na ang dalawang iyon ang nakalinya sa unang uri?” “Opo Mister Aristotle, ang dalawang iyon ay kaibigan ko na.” Agad-agad Ysadora? Two pa lang ang nilalagi mo sa school na ito. “Oh, congratulation's na sa halip na mainggit ka sa kanila ay natutuwa ka pa.” sambit nitong humarap sa buong klase, “Class, dapat niyong tularan si Miss Ydades masaya para sa iba.” “Ang kasiyahan po ng mga kaibigan ko ay kasiyahan ko na rin. Hindi kailangang mainggit, kundi dapat suportahan nalang silang dalawa.” “Ang epal naman,” narinig kong bulong ng Joyce na naging assumera ang apelyido. “Thank you Miss Ydades sa point of view mo, sana ay may matutunan ang mga kaklase mo sa'yo. Anyway, nasaan ang dalawang kabilang sa unang uri? Maaari bang pumunta kayo sa harapan?” umupo na ako, tapos na ang part ko. Mabilis na tumayo si Carley at halos takbuhin na ang pagtungo sa unahan, napasinghap pa siya nang tuluyang mapalapit sa Aris nila. Si Nyca naman ay tinatamad na tumayo, mabagal niyang tinungo ang harapan na nakasimangot. Anong nangyari doon? Ayaw niya na agad kay Mister Aristotle? Naka move on na ba siya? Ang bilis naman. “Ang dalawang ito na nasa inyong harapan ay ang nagtataglay ng unang uri ng hearing gift, ang dalawang ito ay magbibigay ng halimbawa kung gaano kalayo ang mararating ng kanilang hearing gift ngayong gabi.” panimula ni Mister Aristotle na hinawakan pa sila sa magkabilang balikat, “Carley at Nyca, ipikit niyo na ang inyong mga mata then mag-concentrate kayo.” What? First name basis na kami sa school na ito? Sigurado akong kinikilig na ang buong kalamnan at pagkatao ng dalawang iyan. “Waaah!” “It's the beginning of our name basis!” “Simula na ng first name, kahit kanina pa niya tinawag ang iba sa pangalan. Sina Jaime, Oriel at Joyce!” “Quiet class, paano sila makaka-focus?” Nang ipikit ng dalawa ang kanilang mga mata ay kusang natahimik ang aming buong klase na hindi masaaway kanina ni Mister Aristotle. Hindi ko alam kung dahil sa excited sila at ag-aabang sa mangyayari, nakamasid lang kaming lahat sa kanila. Bawat kibot at galaw ng kanilang mga mata ay labis kong ipinagtataka, tila ba may hinahanap sila kahit na nakapikit o sadyang may kinakapa talaga silang dalawa sa madilim nilang paningin. Naunang magtaas si Carley ng kamay habang si Nyca naman ay mariin pa ring nakapikit. “Yes Carley?” Malakas na dumagundong ang sigawan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang sumigaw e pwede namang tumahimik nalang. “First gate po ng ating academy,” lalo pang lumakas ang sigawan ng aming mga kaklase, I've heard a car is coming, malakas na pagbukas ng unang gate, marahang takbo ng gulong na humahalik sa maruming kalsada. Bahagyang kumakanta ang nakasakay dito, in three minutes ay papasok siya sa second gate.” Ha? Paano niya malalaman iyon? Natahimik ang buong klase, gusto ko ng tumawa ng malakas. Ang siyang nagdala talaga sa sagot niya ay iyong kumakanta ang nakasakay sa paparating na sasakyan. Sino kaya iyon? Isang malakas na busina ang gumising sa natutulog kong diwa, at nagpatayo sa aming lahat. Dumating nga ang naabot ng hearing gift ni Carley na parang isang mahika o propesiya. “Tingnan natin!” si Jaime. Halos magkaroon ng stampede sa loob ng aming silid-aralan dahil sa pagmamadali nilang lumabas at makita iyong sakay nito na sabi ay kumakanta. At dahil curious rin ako ay nakilabas na rin ako ng room namin, habang si Nyca ay naiwang mag-isa sa loob ng silid dahil hindi pa siya tapos magbigay ng halimbawa. Sa paghaba ng aking leeg na makita ang lalaki ay agad kong nakilala ang sasakyan, ito ang sasakyan na sumundo sa akin kamakailan. Si Uncle Simon. Siya ang lulan ng sasakyan at kumakanta. Nakita kong mahinang nagtawanan ang mga kaklase ko, siguro ay hindi nila inaasahang si Uncle ang laman ng sasakyan. Dahil maging ako ay hindi rin mapigilan ang mapangisi dito. Asarin ko kaya si Uncle Simon, soon? “Anong kinakanta niya Carley?” baling ko dito na umiling lang sa akin bago tumawa. “Bakit mo tinatanong?” „Para makanta rin natin dahil baka iyon ang uso ngayon sa ngayon?” “Secret!” aniyang naging dahilan upang tumawa ako, siguro ay hindi napapanahon ang kanta nito. Baka pang sinaunang tao. “Class please go back to your sit!” umaalingawngaw na boses ni Sir. Mabilis akong umupo dahil nakakapanindig balahibo ang garalgal ng boses niya, kahit alam kong kaunti lang naman ang balahibo ko sa katawan. Ang lahat ay biglang nanahimik. “Hear Nyca's answer and example.” “Ang lahat ay malabo sa aking pandinig.” panimula nito sa halimbawa niya, “Awit ng mga ibon, malakas na pagbagsak ng tubig sa malalim na talon. Malakas na pagaspas ng hangin kasabay ng pagsayaw ng mga dahon sa puno, maliliit na hakbang pero mayroong bigat. Huni ng mga hayop na naligaw.” Halos mapanganga ang lahat sa sinabi niya. “Tahimik ang paligid, ang lugar na bahagyang natatanglawan ng liwanag ng buwan na pumapasok sa bawat siwang, ang hearing gift ko ay nakarating sa ghost forest, sa pusod mismo ng madilim at nakakatakot na forest!” “Ang astig!” “Gusto ko rin ng hearing gift niya.” “OMG! Ikaw na Nyca.” “Iyon lang po Mister Aristotle,” dagdag pa nitong nahihiya at mabilis na naupo. “Malayo ang narating ng hearing gift ni Nyca, napasok nito ang ghost forest kaya ang tanging ma-ipapaalala ko sa inyo ay huwag niyo ng tangkain pang pumasok sa loob noon. Delikado o napakadelikado dito. Sana ay may natutunan kayo sa naging lesson natin for tonight, goodbye class at see you tomorrow!” “See you tomorrow, Mister Aristotle!” Nagtayuan na ang ibang kaklase namin upang magtungo ng dining hall, midnight lunch na kaya halos ang lahat ay gutom na gutom na. Si Carley ay mabilis na tumayo habang si Nyca ay mukhang ayaw na tumayo at kumain ngayon. “Nyca tara na!” sigaw ni Carley. “Hindi ako gutom Carley.” “Kailan ka pa natuto ng salitang pagtanggi pagdating sa pagkain, ha?” Tumayo na rin ako dahil hindi ko alam kung ano ang nais ng babeng ito na ayaw pang tumayo. Medyo gutom na rin naman ako kaya bahala na sila diyan kung ayaw nilang kumain. “Ysadora saan ka pupunta?” tanong nito bago oa ako makalabas ng pintuan, lumingon ako. “Sa dining hall?” patanong rin na sagot ko. “O, tara na Nyca, bilis at gutom na si Ysadora.” “Fine!” sabay tayo nito at nauna pang maglakad palabas ng classroom. Saglit kaming nagkatinginan ni Carley sa ugaling agarang inaasal niya sa amin. “Halika na Ysadora, sundan natin siya.” hila niya niya sa aking braso upang umalis na. Hanggang sa dining hall ay wala pa rin siyang gana, ni hindi niya halos nagalaw ang kinuhang pagkain. Hindi ko alam kung anong problema niya pero feeling ko ay hindi iyon maganda. “Anong problema ni Nyca?” bulong ko kay Carley nang pabalik na kami ng classroom. “Hindi ko rin alam,” kibit-balikat nito sabay ismid at bumilis na humakbang. Tinarayan niya ako? Ang ending ay naiwan na nila akong dalawa na akala mo ay mayroong hinahabol na flight kung maglakad. Puno iyon ng pagmamadali. “Alright,” nguso kong tinatanaw ang likod nila. Tumigil ako sa harapang ng aming room, may parang veranda dito na yari sa kahoy ang haligi at hindi na sakop iyon ng bubong ng school. Bahagya kong niyakap ang isang haligi at tumingala ako sa maliwanag na langit. Sa pisngi noon at nakahalik ang napakarami at Hindi mabilang na mga bituin. Nasa kalahati na ang kalmadong gabi, maliwanag ang buwan pero hindi lahat ay nasisinagan ng liwanag nito. “Miss ko na ang Zamora,” wala sa sarili kong saad, “Si Mama, si Kuya at ang aking higaan.” Hindi ako malungkot, pero dahil sa paligid ay nakaramdam ako ng agarang pagkalungkot. “Hindi ka pa ba papasok sa loob?” si Carley na pinagmamasdan ang mukha ko, “Ilang minuto nalang ay darating na si Miss Demalanta.” Pilit akong ngumiti sa kanya kahit na ang bawat sulok ng aking mata ay namamasa na. “Oo na, Lola.” pagbibiro ko na ikinatawa niya. “Sunod ka na sa akin apo,” pagsakay nito bago tuluyang tumalikod at bumalik na sa loob. Malalim akong humugot ng hininga. Creepy man, weird man, strange man, na parang wala ako sa normal naming mundo, ay pipilitin ko pa ring mabuhay at sumabay sa agos ng hindi ko alam na kapalaran sa lugar na ito na hindi ko gaanong kilala. Nang sa ganun ay maging maayos ako araw-araw at magkaroon ng healthy na katawan at malinaw na isipan. “Ysadora, hindi ka pa papasok?” si Nyca sa gilid ng pintuan ng aming silid. Maliit akong ngumiti. “Nandiyan na po Inay!” natatawa kong tugon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD