Chapter 26: Forgotten memory

3730 Words

Humahangos kaming dumating sa harapan ng nakabukas na silid. Mukha ni Nyca na labis na nag-aalala ang aming agad nabungaran dito. “Ysadora, Carley!” palahaw na nito ng iyak. “Bakit ka umiiyak?” si Carley na naluluha na. “Iyong tatlo...iyong tatlo...” hindi nito maitulo-tuloy ang mga nais na sabihin. Agad akong nanigas sa aking kinatatayuan, maraming pangit na pangyayari ang naglalaro sa aking isipan. Mga bagay na hindi mawari. “Ano bang nangyari sa kanilang tatlo, Nyca?” nababahala na ‘ring tanong ni Carley. “Delikado na ang lagay nila...” Binalot ang aking katawan ng labis na pamamanhid. Hindi ko na maramdaman pa ang aking mga paa na nakaapak sa sahig. Ang tangi kong nararamdaman ay ang masakit na pagpiga sa aking dibdib at ang panunuyo ng aking lalamunan at panghihina ng kat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD