Who wouldn't recognize Yvee Jazz Ayala? Besides from being a well known businesswoman, she's got looks. Oh she's got THE looks, babe!
Standing 5'6, her natural brown silky and shiny hair, a killer bod, and a face of an angel...like dang, girl! Where were you all this time? Some says she's perfect but little did everyone know she isn't what they're hoping to be.
It's just 6:54 am yet here she is at the nearby café called XYZ. She actually co-owned XYZ together with her two friends Xamarra and Zane. They established the café two years ago.
Despite of being financially supported by Yvee's almost "dad" while studying, she still tried to earn for herself at hindi naman iyon pinigilan ni Mr. Montes. That's where she met Xammy. They were both service crew at one of the most famous fast food chain in asia. Xammy wanted to be independent and live on her own with her own terms without her family's shadow, influence, and controling nature so she took off and went to manila to study and be independent. Xamarra's family is into Politics in La Union. Her grandfather is the Governor while her father is a mayor. When the two gals met, they just clicked like they were long lost friends. Na aakalin mong napaka tagal na nilang mag kakilala.
And Zane is a different story. Him and Yvee were schoolmates during elementary days. He's actually Yvee's first crush back then, but when Zane graduated that ended her little crushy mushy feelings because she never saw him again not until they ran into each other at the grocery store. After that, they went for a coffee to catch up. Surprisingly for Yvee, he's actually the first one who recognized her. And there she thought Yvee won't see him again. Pinakiramdaman niya ang sarili kung may konting nararamdaman pa siya para kay Zane pero naka move on na siya sa pagkaka crush sakanya. Pero natutuwa siya na may bago siyang kaibigan at ito pa ang unang bumati sakanya. Who would've thought na makikilala ni Zane si Yvee? Eh hindi naman siya athletic na tulad ni Z. Oo, matalino siya at pambato ng monologue at declamation, at pati na rin quiz bee noon pero hindi naman siya napapansin ng mga schoolmates niyang famous dati kahit nananalo siya.
Naputol ang pagmumuni muni ni Yvee nang ilapag ni Xam ang paborito nyang banana muffin.
"Ang aga mo yata ngayon? Ganon mo ba ako ka-miss at wala pang 7:30 nandito ka na?" Habang sinasabihan siya ni Xammy ng ganon ay kasabay non ang mapanuring tingin ng kaibigan.
"Huwag ka ngang feeling! Hindi pwedeng nag-crave lang ako sa muffins? Feelingera neto..." Sabay irap nya sa kaibigan.
"May regla ka ba? Ang init ng bunbunan mo ang aga pa kaya chill ka muna, okay?" Buti nalang at hindi mapagpatol itong kaibigan niya tuwing bad mood or tinotopak siya.
Hindi naman muna nagsalita si Yvee.
"Alam mo ang tagal na naman na hindi nagpaparamdam si Z. Pagsabihan mo nga iyang kaibigan mo na hindi porke't isa siya sa nagbigay ng puhunan dito ay may karapatan na siyang mag "lu-li"! Aba hindi naman niya ugali dati ang lulubog-lilitaw, ngayon kinarir na niya! Jusko!" Lumalaki na naman ang butas ng ilong ni Xammy.
"Hayaan mo I'll try to give him a call later pagdating ko sa office. Baka masyado mo kasing inaalila kapag nandito siya." Taas kilay din niyang tanong sa kaibigan.
"Oy! Hindi ah..." Mahabang ngusong sagot nito sakanya.
Tinaasan na naman niya ito mg kilay.
At sumagot ulit ito gamit ang maliit na boses na parang nahuli ng nanay na nagpaiyak sa kapatid.
"Hindi naman masyado pero mga slight lang yon! Pina linis ko lang sakanya yung mga glass window tapos pinag mop ko siya sa kitchen..."
"Sigurado kang sa kitchen lang? Wala nang iba?"
"Ano...pati sa may counter at pati dito tapos siya din yung pinag hugas ko tsaka gumawa ng inventory pati accounting...hehe"
Oo mga kaibigan! Konti lang talaga.
"Sure? Yun na lahat? Wala ka nang ibang pinagawa? Ginawa? Nasabi? Sinabi?" Tanong ulit niya rito.
Sanay na siya sa ugali ng dalawa niyang kaibigan na kulang nalang magpatayan minsan. Pero alam niyang hindi nila pababayaan ang isa't isa. They've got each others back.
"Eh kasi naman! He ruined my date! Nataon na dinala ako ni JB sa isang resto sa Pasig eh hindi ko din naman alam na family nila Z ang may ari non at nandon din si Z that time kasama ang college friends niya tapos nakita niya kami na pumasok nakilala niya si JB kaya ayon sinuntok ni Z si JB ko. Eh yun naman pala sabi ni JB sakin baka daw akala ni Z na si JB si Miguel na kambal niya kasi nakabuntis daw si Miguel at pinsan daw ni Z yung nabuntis kaya ayon.... Tapos nung tumigil sila magsuntukan medyo nasigawan ko si Z kasi nga nasaktan si JB na yummy" Mahabang paliwanag ni Xamarra.
"JB? Bakit hindi ko alam na may nilalandi ka ilang beses na kayo lumabas? At teka ka nga lang ha...anong medyo nasigawan? Anong sinabi mo kay Zane?"
"So after nga nila magsuntukan at after ko makausap si JB, hinila ko si Z sa may backdoor sa may kitchen. Na akala nga niya si JB si Miguel tapos medyo nag argue kami ng slight tapos sabi ko dahil sa inis ko "mabaog ka sanang pangit ka!" Ayun tapos nag walk out na ko at umalis na kami ni JB. Nakakainis kasi first time palang namin mag date tapos ganon pa yung nangyari at hindi na din niya ko kinontak after the incident. Akala ko pa naman magkakajowa na ko. Sayang mukha pa naman siyang yummy." Nakapa-labing kwento niya.
Ngayon alam na nya kung bakit MIA si Zane. Tanging si Yvee lang ang nakakaalam sa medical condition ni Z at sinigawan pa ito ni Xammy ng baog. Masakit talaga iyon. Pero hindi rin naman niya mapagalitan si Xam dahil hindi naman nito alam ang condition ni Z.
"Alright. I'll try to talk to him. Babalitaan nalang kita." Akmang aalis na sana siya nang pigilan siya ni Xammy.
"Hep! Hep! Hep! Teka nga lang din ha? Di mo pa ko sinasagot kung bakit napaka aga mo kong mamiss. Sagutin mo ko ng honest na hindi sinasamahan ng pagmamatapang ng kilay". Si Xamarra namang ngayon ang nagmatapang na kilay.
Yvee heaved a sigh.
"I went to see a doctor yesterday."