Chapter 2

894 Words
Nakaramdam ako ng bahagyang kaba habang papalapit sa gate. Leche takaga 'tong sila chloe! Magkakagulo namaman. Nagbago na nga ako simula nang lumipat ako sa school na' to kaso mukhang sinusubukan talaga ako nitong mga palakang 'to e. Lumilinga linga sila. Pinapatigil pa nila yung iba na medyo kahawig ko. G na g ang mga palaka. Kompleto na sila ngayon. Paniguradong nagsumbong to sa mga seniors nila. May mga posisyon kasi sila sa frat nila. Mga pauso ang lintik. Paniguradong tataas posisyon nitong si Mica na lider lideran nila. Hindi namin kaklase si mica kaya nakakapag siga siga sa klase 'tong sila chloe. "Oh! Ayan na pala si ire e!" sigaw ni jessa habang nakaturo saakin. Tumatawang lumapit saakin si chloe at shino, college na' to pero loko loko pa rin. Walang emosyon na nakatingin saakin si mica. Napailing iling nalang ako. Paniguradong binaliktad nila ako kay mica. Hindi naman nambubugbog 'yan nang walang kasalanan sa frat nila o sa kanya e. Psh kainis! "Oh anong kasalanan nito sa inyo, Chloe?" maangas na tanong ni shino at hinigpitan pa ang pagkakahawak saakin. Ngingisi nyang sinipat katawan ko. Ulol! "E yan kasi kuya e. Tinatawag lang namin sya ng MAAYOS pero ayaw tumingin." pasumbong kunwari nung sheena. Inirapan ko sya at hinablot ang braso kay shino. Nakakunot na ang noo ni shino na nakatingin kila jessa. "'Yon lang?" dismayadong tanong nya. "Oh edi bakit hindi nyo pa niresbakan' to?" dagdag nya na nagpalaki sa mga mata ko. Ang kaninang nagtataka't pagkapahiya sa mga mukha nila jessa ay biglang nagsingitian ng nakakaloko saakin. Proud na proud bhie? Tinulak ako ni shino kila mica. Halos maglapit na mukha namin mabuti nalang nabalanse ko katawan ko jusmeyo. Gulat na nakatingin sya sakin kaya nag iwas nalang ako ng tingin. Kahiya! Buset na shino to! Tinanguan ni shino si mica, senyas na simulan na. Umiling naman si mica kaya gulat kami na napatingin sa kanya. Literal na gulat mehn! Mas mataas sa kanya yan! "Hindi pwede.." mahinang sabi nya at tumingin saakin na parang nagmamakaawa. Kinunotan ko sya ng noo. Anong tingin yan? "Sa may lumang building nalang, kuya. Maraming makakakita dito." pambabawi nya pero nakatingin pa rin saakin. Napatawa ng gulat pa rin si shino. "Akala ko e, ipagtatanggol mo na 'tong bumastos sa tropa mo." aniya lang at nginisihan pa ako. Inirapan ko sya. "Tara." yaya ko. Nanlaki mga mata nila na napatingin saakin. "A-alam mo kung saan yun?" bakas ang kaba sa mukha ni jessa. Tinaasan ko lang sya ng kilay saka tinanguan at inirapan. Bahala ka dyang mag isip leche ka! Kasalanan mo to e bwisit! Naglakad lang kami papunta roon sa lumang building ng mga suarez noon. Ang mga suarez ay dating kaibigan ng papa ko, tinanggal ang negosyo nila dahil nahuli silang nakikipag negotiate sa isang d**g lord. Yun pala e pinagplanuhang pabagsakin negosyo nila kaya nagkaganoon. Saklap dzaih Nang makapasok kami ay agad akong tinulak ng kung sino kaya natumba ako sa-- POTEK ANDUMI CR TO E mumurahin ko na sana yung nanulak kaso nakita kong si mica. Tinapat nya forefinger nya sa bibig nya, senyas na wag akong maingay. Sumusulyap sulyap pa sya sa labas. "Ano nanaman bang pinag gagagawa mo? Diba sabi sayo wag mo nang papatulan?" inis na sabi nya sakin. "Paanong hindi? Nananakit na sila ng pisikal?! Akala ko ba pinagsabihan mo yang mga yan?!" mahina pero madiing sabi ko. Napabuntong hininga nalang sya at inirapan ako. Attitude ka pa ha?! Hinila nya na ako patayo at tinulungan akong pagpagin uniform ko. Kainis! Nanunulak kasi eh?! Nakarating kami sa may dating garden ng building. Syempre, hindi na maayos ang itsura nito. Hindi na nalilinis e at syempre abandonadong building na to. "Simulan nyo na yan!" biglang sabi ni shino. Napailing iling nalang ako habang nakatingin sa kanya, pinapakitang dismayado. "OH ANO? TINITINGIN TINGIN MO?" galit na sigaw nya. Nainsulto dahil sa tingin ko. Nginitian ko sya ng pagkatamis tamis. Narinig ko nalang sya bumulong ng 'baliw' at saka ako inirapan. Sinenyasan nya si jessa at chloe sa gitna. Ano ba yan?! Dalawa agad?! Psh! Ang unfair naman nito! " Hoy! Ano ire? Saming dalawa palang siguradong bugbog kana!" tumatawang sabi sakin ni jessa. Mukha na nga syang maasim, ang asim rin talaga ng amoy niya. "Oh pano mo nasabi? Baka nga isang sapak ko lang sayo sabog yang mukha mo e. Lalabas lahat ng sour candies na bumubuhay sayo." pang iinsulto ko. "ANO?!" galit na sabi nya. Di nya yan gets, halata naman e. Hindi kasi sya aware na mukha at amoy syang maasim mga bhie. "Gets mo?" pang aasar ko pa. Ngingisi ngisi akong tumingin sa kanya. Inambahan nya ako pero hindi ako nagpatinag. Nginisihan ko lang sya, nang aasar pa rin. Lalapitan ko na sana sya nang may pumigil saakin. Napatingin ako sa kanang braso ko at napatingala. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Nginitian nya ako at tinanguan "It's okay." aniya at may itinurok saakin. Sa huli, ang naaalala ko nalang ay ang pagkahimatay ko at ang ingay ng paligid. Sa susunod na kabanata... "Why are you here?" malamig na tanong ko, tinatago ang kaba. "I-I.." "I called him." bungad ni mica pagkapasok na pagkapasok nya sa kwarto. Tinignan ko sya ng matalim. I can't believe this! "You did what?!" mahinahon pero mariin na tanong ko, pinapakalma ang sarili. "Chen, I'm sorry.." napayuko sya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD