“ANONG sabi mo? Nababaliw ka na ba?” “Totoo ba ‘yan Jade?! Baka naman niloloko mo lang kami ah?!” Sunod-sunod ang tanong nila Mariel at Melody sa akin. Hindi ko tuloy malaman kung sino sa kanila ang uunahin kong sagutin. Magkakasama kaming tatlo sa isang café malapit sa opisina na pinapasukan ko. Kalalabas ko lang sa trabaho at naisipan nilang puntahan ako. Dalawang araw na ang nakalipas buhat noong ihatid ako ni Luke sa bahay. Wala si daddy dahil nasa probinsya siya kung kaya nakaligtas kami sa sermon niya. Malamang ay next week pa siya makakabalik. “Jade! Huwag mo kaming binibitin!” pangungulit ni Mariel nang hindi ako sumagot agad. They were obviously shocked when I told them I was about to marry Luke. I can understand their surprise because I kept what happened between me and Luke s

