MATAMAN kong pinagmamasdan si Luke. Ano namang naisipan niya at bigla ay nagpakilala siya kay Daddy na boyfriend ko? Alam ba niya kung gaano ka-conservative ang taong kaharap niya? “D-Dad, h-hindi—” “Luke, anak! Hindi mo naman nasabi sa akin na itong anak pala ni Governor Enriquez ang kasintahan mo!” Napamulagat ako kay Mr. Juanito na noon ay kaylawak ng ngiti sa amin. Anak? Anak niya si Luke? Tiningnan ko si Dave na noon ay halata ang inis habang nakatingin sa amin. Pilit man niyang itago ay nababasa ko iyon sa kaniyang mga mata. Naguguluhang sinulyapan ko din si Luke na noon ay nakatingin din kay Dave. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan nila. “He is your son?” gulat na tanong ni Daddy. Hindi nakaligtas sa akin kung paano niyang pinasadahan ng tingin si Luke. Ngayon ko napansin ang ma

