Hindi maganda ang kutob ko sa gagawin namin. Mabilis kong kinuha ang cellphone buhat sa aking bag. Natigilan ako pagkakita sa napakaraming missed calls at messages. May messages si daddy at mayroon din si Luke. They want to know where my event is taking place. I quickly respond to their messages and share my location with them. Mahaba ang message na ipinadala ko kay daddy. Kahit may tampuhan kami, sa huli ay sa kaniya pa rin ako humihingi ng tulong sa tuwing malalagay ako sa alanganin. At kahit kailan ay hindi niya ako binigo, the reason why, in my eyes, he is still my hero and savior. Narinig ko si Fatima na nagtanong kay Mamita at sa dalawa pa nitong kasama. “M-Mamita, ano po bang imo-model namin?” Tiningnan ko din si Mamita at hinintay ang isasagot niya. Sa halip na sagutin si Fatima

