CHAPTER 02

1164 Words
"Good night Mommy."kiniss ako ni Zey sa kanang pisnge ko. "Good night din Mommy."sabi din ni Zein at kiniss din niya ako sa kaliwang pisnge ko. "Sige. Good night. Take a rest huh. Kapag naging good girl at boy kayo, isasama ko kayo sa Philippines."sabi ko. "Pupunta tayo kay Tita Ganda?"-chorused na sabi nila. They are referring to Haide. "Oo. Pero, kung mag be- behave lang kayo."sabi ko. "WE WILL."-chorused ulit na sabi nila. Napa ngiti na lang ako bago ko sila kiniss sa mga forehead nila. . . Lumabas na ko at pumasok naman ako sa kwarto ko. Umupo ako sa may table sa tapat ng salamin. Sinusuklay ko lang yung buhok ko. Its been 4 years.. Wala paring nag babago sa mukha ko. Siguro yung fact lang na mahaba na yung buhok ko. Yun lang. Hahaha. . . Napawi na lang bigla yung ngiti ko ng maalala ko yung pag uusap namin ni Charles kanina. Dumiretso na ko sa kama ko para mahiga. 'Para sabihin na wala na ang Ama nila? Yun ba ang hindi pinag dadamot Heillie?' Naalala ko yung sinabi ni Charles. Hindi naman niya ako masisisi kung pinamukha ko sa mga anak ko na wala na silang ama. Hindi ko naman direct na sinabi kina Zein at Zey na patay na ang Tatay nila. I just said 'wala na siya.. Kaya wag niyo ng hanapin.' Yun lang yung lagi kong sinasagot sa kanila kapag nag tatanong sila. . . At bakit kailangan pang sabihin?? Ehh hindi naman alam ni Zeid na may anak kami. Diko naman pinaalam sa kanya ehh. At wala na siyang karapatang malaman pa. Napalaki ko ng tama ang mga anak ko. Napapa kain ko sila ng tatlong beses sa isang araw. Siguro...sapat ng dahilan yun para hindi na siya kailanganin ng mga anak ko. At siguro sapat na ding dahilan yun para wag na niyang malaman. Hindi siya kaylangan ng mga anak ko!! . . FLASHBACK.. 4 years ago... "Heillie??gulat na gulat si Charles ng makita niya ako sa labas ng apartment niya dito sa U.S.A. Pinapasok niya ako. "A-anong ginagawa mo dito?"tanong niya. Isang ngiti muna ang binigay ko sa kanya. "Tinupad ko na yung pangako ko sayo."sabi ko. Like he have said before... 'Kapag....sinaktan ka niya. Please, ako ang una mong puntahan. Kapag alam mong hindi mo kayang sarilinin ang sakit...just let me know first. Pwede mo bang maipangako yun?' . . "What do you mean?"nag tatakang tanong niya. Diko na pinigilan at napaiyak na ko sa harap niya. Itong mga luha na kanina ko pa pinipigilan sa loob ng eroplano. "Ang sakit Charles." Agad siyang lumapit sakin. Inalalayan niya akong maupo sa isang maliit na couch. Walang sabi sabi at niyakap ko siya. "Bakit ganon?? Bakit ang unfair?? Bakit ang sakit?? Bakit ang sakit sakit?!!! Charles... Mahal ko siya!! *sob* *sob* Bakit parang pinag lalaruan kami ng tadhana?? Bakit kailangang siya pa?? Bakit?!!" Wala na kong pakealam kung humahagul-gol na ko sa pag iyak pero ang sakit sakit talaga. "Bakit kailangang humantong pa sa point na kailangang masaktan kami pareho. *sob* *sob* Bakit kailangang maramdaman ko na naman toh?? Wala na ba kong karapatang maging masaya?? Pagod na ko Charles. Pagod na pagod na ko!! Kulang na lang...sumuko na rin ang utak ko!!! Kulang na lang bumigay na ang buong katawan ko!! Wala na kong maramdaman!! Manhid na manhid na ko!" . . END OF FLASHBACK.. Agad kong pinahid yung luha na biglang naka wala sa mata ko. Bakit kailangan ko pang maalala yun?? Bakit kailangan ko pang alalahanin ang mga nakaraan na yun?? Kung alam ko naman na puro sakit at luha lang yung maibibigay non sakin?? Matagal na yun Heillie, hindi ka dapat mag pa apekto. Apat na taon... Hindi mo na dapat siya naaalala. Matatag ka na diba? Malakas kana diba? At okay kana diba? . . Masaya na siya... Sigurado ako! Pero madami akong gustong malaman about sa kanya ngayon. Okay na kaya siya? May asawa na kaya siya? May anak na rin kaya siya? Sana okay lang siya. Sana. . . Kung hindi kaya kami nag kalayo?? Kung naging malawak kaya sana ang pang intindi ko noon?? Kami pa kaya hanggang ngayon? Masaya kaya kami? Masaya kaya kami as a family? . . Tumulo na naman ang luha ko. Gabi gabi na lang ba kong ganito? Lalo na pag naaalala ko siya? Ako kaya?? Naaalala niya pa kaya ako? Naiisip niya man lang ba ko? Kamusta na nga ba siya? . . . ZEID's POV "Congratulation. Saan ba ang honeymoon huh?" "Oo nga. Sana naman maka gawa na agad kayo ng baby." "After long years... Ngayon niyo lang talaga naisipan mag pakasal ni Stacey. Grabe." "Sino bang mag aakala na kayo yung mag kaka tuluyan." "Have a bless para sa bubuoin niyong pamilya." "Di ka na binata Pare." "Hahaha. Best wishes." . . Before the Wedding... "Pare? Ano pupunta ka ba?" Fritz asked me. "Diko alam."tipid na sagot ko. "Ano ka ba...Kasal ni Oliver at Stacey.. Di ka man lang ba mag papa kita?"tanong na naman niya. You heard it right?? Si Stacey and Oliver yung ikakasal. . . Hindi ko na lang pinansin si Fritz. I just directly go to my bed and lay there like a tired person. "Uyy. Wag mo namang gugulin ang buhay mo sa puro work. Lets have fun."sabi pa niya. "Fritz.. Just go. Im not in the mood."i said dryly. Naramdaman ko na lang yung pag bato niya ng unan sa likod ko dahil naka dapa naman ako ehhh. "Bahala ka nga. Papa puntahin ko si Caerus dito, kung ayaw mong makinig sakin."sabi pa niya. I ignored him. Narinig ko na lang yung pag sara nung pinto ng kwarto ko. I breathed heavily. FASTFORWARD.. I was awakened by the knock on the door. Kahit ayokong bumangon ay wala naman akong magagawa. Pumunta na ko sa labas at binuksan yung pinto. As I expected.. Its Caerus. "What are you doing here?"walang ganang tanong ko at binuksan ko ng malaki yung pinto para maka pasok siya. Siya na yung nag sarado ng pinto. Tumuloy na lang ako sa kusina at alam ko namang sumunod siya. "Wedding day of Stacey and Oliver tomorrow."he said. "So?? Mag hihiwalay din sila. Bakit kailangan pang i-celebrate yun."i said unreluctantly. Nakita ko naman yung pag kunot ng noo niya sa sinabi ko. "If Oliver heard that from you.. He will actually punch you."sabi niya. -_- Whatever. . . Di na lang ako umimik at kumuha ng can beer sa ref. Ibinigay ko yung isa sa kanya at ininom ko naman yung akin. "You are just wasting your time. Hindi ako pupunta." "Pero... Kasal nang kaibigan natin yun. Its important."sabi pa niya. "Importante??? Ang tunay na importante Ay yung pag pasa ng mga financial report on the right time."sabi ko. "Zeid.. You sounded like a bitter one."sabi niya. "Because I am!!"madiin na sabi ko, dahilan para mapa tahimik siya. . . Mahabang katahimikan yung nangibabaw sa pagitan naming dalawa. "Zeid.. I know, youre not still move on sa nangyari. Pero.. May asawa at anak na si Heillie. Kitang kita mo naman yung nasa I.G nung ex niya diba?"sabi niya. Naalala ko na naman yung pinakitang picture ni Caerus sakin 3 years ago. It was Heillie with her Ex Charles... Buntis siya dun sa picture na yun. My heart start to rip again. Ayoko sanang mag salita pa pero diko na kinaya. "Ganon ba talaga ako kadaling palitan Caerus? Wala pa nga kaming isang taong nag kaka hiwalay non ehh. Tapos buntis na agad siya sa lalaking yun? Fuck!!!! "Na ibato ko yung hawak kong can beer. . . "Pare.. Its been 4 years. Masaya na si Heillie for sure. At sana ganon ka rin."sabi niya. Napa iwas ako ng tingin. Maya maya ay tumayo siya at lumapit sakin. He tap my shoulder. "Naka move on na si Heillie. Dapat gawin mo na din ang pag mo-move on. May asawa na siya. Madami pa namang ibang babae jan ehh.. . . Sige pare, basta hihintayin ka namin bukas huh."sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD