"Lumilipad ata iyang utak mo," turan ni Sam sa akin.
Wala sa sarili na napalingon ako sa kanya at hindi sigurado kung anong sinabi niya kaya kumunot ang noo ko. Isang oras akong hindi bumalik sa emergency room at natulog muna sa on call room hoping na hindi makita ang lalaking iyon. Kaya ngaayon ay balisang balisa ako at wala sa sarili.
"Lutang nga," turan ni Sam habang napapailing.
"Huh?" tanong ko sa kanya.
"So who was that guy?" tanong niya sa akin.
Muling binaling ko ang tingin ko sa chart at nagpanggap na walang narinig sa tinanong nito. Bakit niya kailangan tanungin sa akin ang lalaking iyon? Napansin ba ako ni Sam?
"Don't you have patients you need to attend to," sambit ko sa kanya.
"Naubos ko na silang lahat ng mawala ka, wala ap din namang incoming patients kaya nakikipag chismisan ako sa iyo. You owe that to me when you disappeared." Ngumisi sa akin si Sam na kinasama ko ng tingin sa kanya.
"Wala naman akong dapat sabihin," simple kong sambit sa kanya. As much as possible ay gusto kong ipalabas na inosente ako at hindi ko kilala ang lalaking iyon.
"Talaga ba? Bakit ka mukhang affected ng makita siya kanina plus pareho kayong nawala kanina? Iniwan niya dito ang pinsan niyang lango sa alak na kinagat pa pala ng hornet." Napapailing na sabi ni Sam.
"I was not, I really don't know him kaya wala ka dapat itanong sa akin," sambit ko. "By the way nakaalis na ba ang pasenyente mong iyon?" pasimple kong tanong sa kanya.
"Oo nakaalis na sila kani-kanina lang. He was looking for you though, that handsome guy so I'm really sure he knows you." Nakangising turan ni Sam na kinaikot lang ng mga mata ko.
Tinutok ko na lang ang tingin ko sa chart ng pasenyente na nasa harapan ko at pinilit na binasa iyon kahit na ang nasa isipan ko ay ang lalaking iyon.
Gusto kong tuktukan ang sarili ko dahil sa ginawa ko kanina, hindi ako makapaniwalang hinayaan ko na gawin ng lalaking iyon ang gusto niya. I was sober and not drunk earlier but I let him touched my body all over.
"Umoo ka na ha?" sambit ni Sam na obviously ay kanina pa pala ako kinakausao pero hindi ko lang naririnig dahil ay iba akong iniisip.
"HUH? Kelan ako umoo?" turan ko naman.
"Ngayon lang," nakangising smabi ni Sam na mukhang may sinabing hindi ko magugustuhan.
"Ano iyon?" kumunot naman ang noo ko.
"Since sabay naman tayo ng shift ngayon at day off natin bukas ay pupunta tayo sa isang bar mamaya." Ngising ngisi na sabi ni Sam na lalong kinakunot ng noo ko dahil wala akong maalala na umoo ako sa ganito niyang sinabi.
"At sinasabi mong umoo ako?" tanong ko sa kanya.
"Yes you did, so wala ka ng magagawa," nakangising turan sa akin ni Sam.
"But-- fine sasama ako sa iyo pero hindi tayo magtatagal roon ha," sambit ko na tuluyang kinangisi ni Sam. Agad siyang nagpaalam sa akin na mukhang magrorounds muna sa iba niyang pasyente. Tumango naman ako at naisipang magrorounds na din muna para mawala itong mag naiisip ko ngayon.
Mabilis na lumipas ang oras sa ospital lalo na't dinagsa ng mga pasyente ang emergency room. Kayang naman hindi ko na napansin ang oras hanggang sa oras na pala namin ni Sam mag-out. Nasa attendings lounge na ako ng makita kong nakaupo na si Sam na ready na ready na ang damit papuntang bar.
"Iyan ang suot mo?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa suot niyang napakaikling dress na hapit na hapit sa kanyang katawan. Oo, totoo namang bagay na bagay ang damit sa kanya at lalo siyang gumandang tignan pero ang iniisip ko lang ay nasa ospital kami ngayon at ipaparade niya iyang suot niya ngayon.
"Anong masama sa suot ko?" tanong niya sa akin na kinahawak ko na lang ng noo ko. Minsan talaga hindi ko naiisip na doktor itong si Sam, mas mukha pa kasi siyang model kesa sa isang doktor. Kaya agaw tingin siya sa mga lalaking naaadmit dahil sa angkin niyang ganda e.
"Wala, walang masama sa suot mo," sambit ko na lang. "Tara na, " pagaaya ko sa kanya na kinatingin niya lang sa akin.
"What?" tanong ko sa kanya.
"Really? iyan na ang isusuot mo?" tanong niya sa akin na parang hindi makapaniwalang ito ang isusuot ko sa bar. Napatingin naman ako sa suot ko na pants and white shirt. Ano namang masama sa suot ko ngayon? I know its very plain but I like what I'm wearing.
"Okay na ito, I wasn't planning on dancing anyway," sambit ko na kinailing iling ni Sam sa akin.
"No, sabi ko na nga ba. Mabuti na lang I have bought you clothes," nakangiti niyang sambit sa akin bago inabot sa akin ang isang paper bag at base sa tatak ng paper ba ay isa itong high end na shop ng mga damit.
"Kelan ka nagkaroon ng oras na bumili na damit nating dalawa?" tanong ko sa kanya at ngiti lang ang sinagot niya sa akin. Napatingin ako sa magandang damit na kulay red at may nakatatak pa roon na price tag. Lumaki ang mga mata ko sa presyo.
Pinashopping niya ba kanina iyan habang busy na busy kami sa emergency room?Minsan napapaisip na lang talaga ako kay Sam, alam kong galing sa isang marangyang pamilya si Sam kaya hindi ko alam bakit siya nag doktor.
"This looks skimpy and uncomfortable. Napakamahal pa ng damit na ito." Pagkomento ko habang nakatingin sa overall na damit. Tinignan ko pa ang isang paper bag na inabot sa akin ni Sam at iyon naman ang partner nitong high heels.
"I made sure na bagay iyan sa iyo. So wear it," pagpupumilit ni Sam na kinabuntong hininga ko. Alam kong hindi niya ako titigilan hanggang sa mapaoo niya ako.
"Fine, isusuot ko iyan pero pagdating na natin ng bar at ayokong pumaparada rito sa ospital ng ganyan kaikli ang suot ko. At babayaran kita rito sa ginastos mo," turan ko kahit masakit sa kalooban ko na magbayad sa kanya ng ilang libo para lang sa damit na ito at high heels.
"Fine but don't pay me because that's my way of apologizing," nakangiti niyang sambit na kinalito ko naman.
"Huh?" tanong ko sa kanya dahil wala akong maalalang may kasalanan siya sa akin.
"Wala, tara na," pag-aaya niya na akin bago tuluyang tumayo at kinuha ang clutch bag niya. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod na sa kanya habang dala dala ang iilan kong gamit pati ang dalawnag paper bag na binigay niya sa akin.