"Brianna! Hindi ka pa ba babangon diyan? Late ka na sa school." Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na boses na iyon ng mommy ko. Napuyat kasi ako sa kakapanuod ng paborito kong Chinese drama. Sa inis ko kasi kay Dean ay mas itinuon ko ang isip ko sa panunuod ng mga Asian drama. Mabuti pa ang manuod ng drama dahil may happy ending. Sinisiguro ko kasi na may happy ending ang drama na papanuorin ko. Ayoko kasi ng walang happy ending dahil nakakalungkot. Palabas na nga lang ay wala pang happy ending. Kami naman ni Dean ay wala pang kasiguraduhan kong may happy ending ba o wala. Pagkatapos ng nangyaring away namin ni Ivy kasama ang mga kaibigan niya ay pinilit ko silang iwasan. Kapag nakikita kong naroon ang grupo niya sa pupuntahan ko ay mabilis akong umiiwas. Mahirap na

