"Bakit nasa bahay ninyo kahapon ang Dean na iyon, Brianna?" Paulit-ulit na tanong sa akin ni Peter. Magmula pagpasok ko sa classroom kaninang umaga ay hindi na niya ako tinantanan sa katatanong. "Naghatid lang siya ng ulam na niluto ng mommy, satisfied?" Medyo naiinis kong sagot sa kanya para tigilan na niya ako. Ayokong sabihin sa kanya ang lahat ng mga nangyari dahil mas lalong hindi niya ako titigilan sa kakatanong. Lalo na kapag nalaman niya na sa bahay nila din ako pansamantalang natutulog. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya kapag nalaman niya iyon. Masyado kasi siyang protective sa akin pagdating kay Dean kasi alam niyang gusto ko nga ang kapitbahay namin. "Mabuti naman. Akala ko kung ano na ang ginagawa niya sa bahay ninyo," anito na may nagdududang tingin sa akin. Inirapan

