Chapter 36

1023 Words

Ilang araw na akong hindi mapakali. Lagi akong balisa. Nag-aalala ako na baka isang araw ay bigla na lamang papasok sa loob ng aking coffeeshop si Dean. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin sakaling magkaharap kami. Alam ko naman kasi na hindi ko siya habambuhay na maiiwasan. Ngunit bakit ko nga ba siya iniiwasan? Wala na akong pag-ibig sa kanya. Nawala na iyon nang araw na narinig ang mga sinabi niya sa harapan nina Ivy. "Ma'am Brianna, masama po ba ang pakiramdam mo?" biglang tanong sa akin ni Pinky nang makita niyang nakahawak ako sa aking ulo habang nakapikit ang aking mga mata at nakaupo sa harapan ng aking mesa. Napadilat ako ng aking mga mata kasabay ng pagngiti ko sa kanya. "I'm okay, Pinky. Medyo sumakit lamang ang ulo ko. Lately kasi marami akong inaasikaso," pagsisinung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD