Magmula nang mangyari ang mainit na eksena sa pagitan namin ni Dean ay iniwasan ko na siya. Palaging alisto ang mga mata ko na tulad ng isang magnanakaw. Kapag nakikita ko na paparating pa lamang si Dean ay mabilis akong umaalis sa coffeeshop. Sa gilid ng opisina ko ay maliit na exit door for emergency. Dito ako dumadaan para maiwasan ko si Dean. Hindi lanag naman si Dean ang iniwasan ko kundi pati na rin si Peter. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Ayokong masaktan lalo siya kapag nalaman niya na hanggang ngayon ay si Dean pa rin ang itinitibok ng aking puso. Akala ko ay matagal ko silang maiiwasan ngunit hindi pala. Dahil sa araw na ito ay nakatakda pala kaming tatlo na magharap-harap. Maraming customers ngayon ang aking coffeeshop kaya naging busy ako sa pag-iistima sa kan

